hay. nagsimula na yung tutorial kanina. okei naman. kaso purol na talaga utak ko sa programming. sabi nga
"simpleng logic di nyo pa magawa". hay. naiiyak na nga ko eh. lols.
anyway, sana matuto talaga kami sa tutorial na yun.
taena para kong magtatayo ng computer shop dito sa bahay, 3 pc setup namin dito weh! haha. at eto pa, nawili yata ko kakaformat ng hardisk.
nasira kasi un hardisk ko nung kasalukuyang malakas ang ulan at hangin, ginagamit ko biglang nagfluctuate[?] yung kuryente. ayun ayaw na magbukas. UNMOUNTABLE_BOOT_VOLUME. kung anu2 na ginawa ko. tumawag sa kung kani-kaninu. nagpapatulong kung kani-kaninu. hanggang sa may nag-suggest na i-slave na lang yung hardisk ko sa iba para kopyahin ang files, sabay install ulit ang OS. eh wala naman ako mapapagsaksakan neto, so nanghiram na lang ako ng hardisk. eh ako nga na aanga-anga hindi naisip di nga pala compatible hardisk ng friend ko sa motherboard ko, kaya finormat ko na lang hardisk nya. bwahahahaha! pabor naman sa kanya noh. libre format pa sya. amp.
aba, nag chekdisk lang pala, ayus na. taena mangiyak-ngiyak ako kala ko mawawala na yung mga files ko. 1000+ na mp3 ko dito. yung docu pa namen sa thesis nasa drive C (drive C nga pala yung ayaw magbukas) saka sooobrang daming pictures. amp.
basta im happy owkei na pc ko ngayun. dalawa pang hardisk gamit ku ngeyun. haha. kasi sira yung motherboard ng friend ko so di pa nya magagamit yung hardisk nya. hiram ko muna. wahahahaha. sarap maglaro dito eh. ambilis. amp.
sana maramdaman ko yung feeling ng best thesis. huwaaaah!
NAIIPIT AKO NGAYON! SYET!
eniwei, new pics sa random pic. refresh lang ng refresh para makita un iba. hihi. share ko muna picpic ng utol ko. wafu eh. available yan. haha.
ok back to ipit mode*
balak kasi naming magpalit ng technical adviser para sa thesis. yung dating technical adviser kasi namin taga manila, eh from cavite kasi, tas kami pa yung napunta dun. magastos na, pahirapan pa. kaya nakahanap ng mejo ok na kakilala na pwedeng magturo. punta kayo
dito nang malaman nyo. sya gumawa nyan eh.ΓΌ eniwei, eh di yun nga. nakausap ko sya ngayon. nakipag close deal na ko, tutal nasabi ko na sa group ko, P100/head/session. eh sa isang session 5hrs. tapos 6 kami. tas gusto nya may downpayment pa. naku basta mejo mahabang storya kaya ndi ko na masyadong elaborate. eh sa makati pa sya nagwowork, nauwi sya sa guadalupe. pero kung tuturuan nya kami, sya yung pupunta dito, hindi kami un pupunta dun.
ang point is, may ilang group members na ang gusto sya (yung nakilala ngayon) ang magpprogram (dahil nga di naman kami ganun kagaling magprogram). nung kausap ko sya kanina, explain ko nga na may gusto na ganun ang mangyari, then walk-through na alng kami sa codes para sa defense. sabi neto..
di naman adviser hanap nyo, programmer yata. magkaiba yung magtututor sa inyo sa gagawa ng system nyo..
tama nga sya. sa side ko naman gusto ko matuto talaga. ok na ok sakin yung ganun na tuturuan nya kami, hindi habol yung matuto kahit isa, dapat lahat matuto. (eh ang gusto nga 3 na pc para 2:1 amp) alam ko yung sinasabi nyang dapat ngayon pa lang nagpupuyat na kami sa system na yan, dahil masyado nang rush.
ang problema ko, pano yung ibang ka-group ko na ayaw sa desisyon ko?
taena. nakakabwiset. di ko na alam kung panong gagawin. ayoko naman masyadong maging bossy, na ako na lang ng ako ang nasusunod. gusto ko din naman marinig yung side nila. pero ang problema, baka hindi magkasundo yung mga gusto naming mangyari :( God, help me.
==========
ibang kwento naman to. nabadtrip yata yung friend ko kanina sa kin. remember nung retreat namin dba? may nagkagusto sa kanyang 2guys at hiningi pa yung number nya. yung isa nalaman yung number ko at sakin nagtatatanong ng mga kung anong chorba chorba about sa friend ko. kaninag tanghali sabay kami pumasok nung friend ko na yun. dumaan ako sa kanila kasi dumaan din ako kila memel (insan kasi ni memel yun) then nakita namin nandun sa kanto nila yung isang lalake (bigyan ko nickname. si
pin) ayan. kaya nung pumasok kami nung tanghali kasabay namin si pin. syempre libre kami pamasahe. yahu. hekhek. nung gabi na uwian namin, mga past 6 un, hinintay pala sya ni pin. nakatambay kami sa lobby, kwentuhan, ganun, then nung pauwi na naawa talaga ko kay pin. kasi mejo madami kami sabay2 pauwi, si pin nasa likod lang, nakabuntot samin. nahihiya yata lumapit sa friend ko. eh obvious na obvious naman na ayaw nung friend ko sa kanya. talagang ndi nya kinakausap.
nasa labas na kami abang na kami ng bus, hindi pa rin dumidikit. talagang nakabuntot lang sya. parang stalker ba. wekekeke. nung sumakay na kami ng bus, di ako tumabi sa friend ko kasi ang alam ko tatabi sa kanya si pin. ayun. parang nabadtrip.
ganun ba talaga pag nanliligaw? actually nde sya nanliligaw. gusto lang daw nya kami maging friend, especially un friend ko. kasi masaya daw ang tropa namin. haha. amp. eh sa totoo lang naawa talaga ko dun sa tao. biruin mo di ka naman inaano, out of place ka sa circle of friends (hehe) tapos nakuha mo pa ring sumabay? *clap*clap*
part ba talaga un kung gusto mo maging friend yung isang girl? kailangan ba talagang isnab-isnabin ka nung girl? kala mo hindi kilala.
kaya nung bumaba kami (kasi dun din ako bumaba kila memel) hindi kami nagkikibuan nung friend ko. hindi din bumaba si pin. isip ko nga baka nainis kasi soooooper OP na sya samin. nilibre pa kami ng pamasahe.
kung iniisip naman ng friend ko na nakikialam ko sa buhay nya (kesyo ako nagbigay ng details na dito yung street nila, chorba chorba) isang
SORRY sayo. ayoko na makialam. ayoko na magcomment. ayoko na pumasok sa issue na yan. bahala na kayo magusap. wag kang mababadtrip sakin kasi mas malaki ang sama ng loob ko sayo. alam mo yan
para naman kay pin, sana di ka na tumawag samin at magtanung ng kung anu-anu tungkol dun sa friend ko noh! gumawa ka ng sarili mong paraan para malamang bahay at landline# nya!
bwiset. gusto ko nang mabuhay ng matahimik.
magtayo kaya ko ng bahay sa sementeryo?