whew! fresh from tagaytay! haha. mabait na akiz. lol. this'll gonna be ang long post (with pics naman!) so bare with me. paki basa. haha. masaya ang experience ko!
syempre gumising ako ng maaga baka maiwanan ako. yko yata sumabay sa iba magretreat. anlaki pa naman ng bag ko. hwehweh. 2hrs lang ang tulog ko kaya sobrang hilo ako sa antok. andami namin, may mga kasama pa kaming industrial engineering, so mejo marami kami. pag akyat namin ng bus wala nang upuan. halos 7 kaming walang upuan, so dapat sa van kami nakasakay kasama ang mga chaperone from theology office, hindi sa bus ng baste. fortunately, nagkapwesto dun sa pinaka unahang upuan, di ko nga lang alam kung sino yung pinaalis dun. haha. kaya dun kami nakaupo. yahu.
day 1
yahu nakarating na kami sa Angels' Hills. ayus pagdating namin merienda kagad. hekhek. 10am un, 10.30 kami natapos then nagsimula na magsalita si father johnny (father martin yan originally, kaso kamuka sya ni johnny delgado kaya father johnny. wehehehe) nakakaantok syang retreat master. as in. pag naririnig ko lang ang boses nya bumabagsak na ang mata ko, kahit galing sa tulog.
ang sarap ng lunch. eto pa isang maganda sa angels hills, kasi buffet ang meal! unlike sa ibang retreat house, kung ilan lang kayo sa table yun lang ang pagkain, minsan bitin pa. dun, may sobra kaya pwede ka bumalik-balik. hihi. talap talaga. 1pm yung tapos ng lunch, tapos 3pm pa daw ang balik namin kasi rest daw. kaya kami naman kung anu-anu ginawa dun ng 1-3pm. may mga natulog, nagkwentuhan, nagpiktyuran at ewan ko na un iba. hehehe. nasa room kami nun, nung napansin nung ibang tropa un blinds namin tumataas-baba. waaaaa. pero di naman namin masyado pinansin kasi umaga un. and parang wala lang.
3pm, un time ng merienda. pero di pa kami pinag merienda. syempre sermon muna father. hehe. 4 na yata kami pinakain. mga bandang 5.30 yata un may holy hour. nakakapraning sa chapel pag sobrang tahimik. as in. tapos 7pm ang dinner.
day 2
gising kame 5am kasi pupunta kami ng Pink Sisters ng 6.30 to attend the mass. sobrang solemn nung place, maski ikaw sa sarili mo mahihiya kang umutot. haha. maririnig kasi sa sobrang tahimik. ang sarap magsimba dun kasi mapapaconcentrate ka talaga magpray, and sobrang ganda ng boses ng pink sisters. as in. see it for yourself. try to attend the morning mass sa pink sisters, pagppray nyo ko. wehehehe.
ganun pa rin ang nangyari. 9am sermon then 10am merienda, then 10.30 sermon, 12noon lunch. sobra naman un lunch namin nung tuesday. rice, lechong kawali, sinigang na manok (sinigang talaga nde sinampalukan. weird nga eh hehe), soup, and banana. grabe. nanghinayang ako sa chicken, ni hindi ko nagalaw. tinulak ko na nga lang unlegs at least umurong sya. hehe.
then ganun pa rin, 3pm ang balik then 4pm merienda. same old. pero this day ako nagconfess. iyak-iyak pko. ehehehehe, antagal nga nung sakin eh. dami ko yatang kasalanan. at least im cleansed now :) then nung before dinner nag rosary kami. after dinner pinapabalik kami ng 9pm kasi merong susunod na activity for all of us. un pala un nakakaiyak.
pinag group un friends, then may candle sa gitna, u'll give the candle to the person who you want to say thank you and sorry. pero kami, yung ginawa namin, isa-isa magsasalita habang nasa harap nya un candle. nag-umpisa magsalita si seus. nagsimula na mag-iyakan. ahuhuhu. then paikot yung candle. pagdating sakin, yung hinanakit ko sa bestfriend ko sinabi ko na. kaya maga ang mata ko nun. amp. our group has the biggest circle in the room :) after ng sharing nag group hug pa kami. hihihi. eto pa ang badtrip, eh madami nga kami sa circle dba, nagsasalita un isang tropa then naiyak na sya, biglang sabi ni mam vangie (un kasama namin from theology office)
"okay.. five minutes more..." biglang natawa un friend namin na nagshe-share eh. haha. ang kulet. nasira un momentum ng sharing. lol.
pagbalik namin ng room, that was 11pm, nandun yung isang classmate ko. let's call her camille. nagpaiwan pala sya kasi nasama daw yung tyan nya, so lagi sya sa cr. tapos may kwento sya.. totoo daw pala na nagalaw un blinds mag-isa.
as in ISA-ISA! yung para daw may iniislayd na tungkod dun. to think na sarado ang bintana kaya hindi un hangin. waaaaa. so i pretended not to be scared. kasi pag natakot ako, lalo lang akong hindi makakatulog. tatakutin ko lang ang sarili ko. diba. as in maraming beses daw na ganun. nagtatalukbong na nga daw sya ng kumot sa takot tapos nagttxt na daw sya sa friend nya kasi talagang naninigas na daw sya sa takot. haha kaya pala di makababa nanigas na dun. lol. kaya ang ginawa na lang namin, pinagdikit-dikit yung mga double deck beds kaya magkakatalikod kami. thank god sa taas ako nakapwesto. mas nakakatakot yata sa baba noh. hehe.
mga bandang 12mn, nakahiga na kaming lahat, at ako ay busy sa pakikinig sa aking mini mp3 player (yeah i have one my mom bought from hongkong :D) then biglang nagtalunan un ibang klasmeyt na nakahiga dun sa side nung bintana (buti na lang dun ako sa may pader nakaharap hehe) so nagulat ako, at nagtanong kung bakit..
jaja: baket? gumalaw na naman?!
camille: oo kaya! hindi mo ba narinig?
jaja: ay hinde.
*anu ka ba camille, kaya nga nakikinig eh kasi ayoko marinig!
waaaaa. buti na lang. as in talunan sila sa side namin. haha. amp. kaya un friend ko na sa baba natulog, tumabi samin sa taas. wehehehehehe. at yung 2 katabi ko sa taas, nag dare na matulog sa baba. haha. kanya-kanyang trip lang yan. yung 2 close friend ko, si niqua and zet, magkatabi sa isang bed natulog. sa takot. haha.
at eto ang scary part.. so nakatulog na nga kami. nagising ako ng 3am kasi naririndi na ko sa sounds ko.so tinanggal ko. nakatulog ulit ako. then 3.30 nagising ako kasi naririnig ko
kumakalampag na naman yung blinds! waaaaahh. taena talaga nagtalukbong ako ng kumot kahit di na ko makahinga sa loob eh, sa sobrang takot. anlaki-laki kong bulas duwag naman noh. haha. nakakatawa pa nga kasi dahan-dahan akong gumagalaw, kasi naisip ko baka makita nya na gising ako, ako naman ang hindi patulugin sa takot. haha. o dba tamang hinala. nilagay ko ulit un earphones sa tenga ko then mejo nilaksan ko volume, di naman todo, loud enough na hindi ko maririnig un kalampag ng blinds. at syempre ako naman si imagine, apnu kaya kung yung mga locker naman na kahoy un kalampagin nya? waaaaa. buti na lang hindi ginawa.
pati daw sa room ng boys may ganun. meron pa nga raw nagbukas ng pinto eh. buti samin wala. hay. meron sa room ng boys natulog 4 sila sa isang kama. haha. mas malala pa samin. lol.
day 3
gising ulit kami ng 5am kasi at 6.30 may eucharistic celebration. then after that breakfast. (di talaga pinalampas ang breakfast! rice, corned beef, bread and butter, cofee or juice) sulit talaga. amp. eto pa ang masarap, un mga tarts nila. sooooper. un 3boxes na uwi ko dito sa bahay, kaninang umaga ubos na kagad eh. huhu. isang pirasong apple tart lang ang nakain ko. amp.
marami pa sanang kwento kaya lang next time na. haha. ang haba na neto eh. kaya fetchur fetchur na! galing muna to sa digicam ni
poell. pong, eram muna ha! hihi. sabihin nyan gaya-gaya na naman aku. amp.

sa loob ng conference hall

ayan hawak naman ako sa malaking ilong ni bobby. hakhak.

ganda ng kuha namin dito. sa labas ng conference hall, merienda time yan. hehe.

ayan, nakakaantok makinig so, fetchur muna! haha

ang sooooper gandang chapel ng Angels' Hills

sa room ng boys. (oo na, pumasok na kami dun ng palihim!) ayun prof namin oh sa kaliwa! hihi

eto sa dining room. nakapila sa buffet

jan kami ni pong sa hot spot ng sun cellular. kausap ko si memel, usap naman nya si yeyek =)

picture daw kami kasi bagong ligo sya, ako bagong gising. aaaamp

ayan ang tropa. hihi. sa tapat ng conference hall.

ganda ng kuha nila dito. i like.

ayan hintay na lang namin bus pauwi.

yahu sa bus na kami. anlaki ng muka ko. lol
sobrang dami pang pics. piling-pili pa yan ha. hehehe. i want to thank all my friends for the most wonderful and memorable retreat. love ko kayong lahat! =)
"Grant me the Courage to change what needs to be changed, the Serenity to accept what can not be changed, and the Wisdom to know the difference."
God Bless! =)