weheheheh. ayus na! mukang makukuha ko na yung 2hrs full body massage. ha-HA! nagbilyar kami kanina, so nag-level-up na naman ako. wekwek. paki tignan na lang yung billiards standing sa gilid. 6pts na lamang ko. peace ulit kay memel, mukang badtrip ulit kanina, na hindi pinapahalata.
sabi pa sakin:
"ang swerte mo. taga shoot ka lang ng nuebe"
kapal ng muka. talo lang kasi kaya ganun magsalita. :)) as if naman nuebe lang talaga ang tinitira ko. di lang nya matanggap. may panalo pa nga syang na-scratch ko lang un nuebe. sya pa swerte. *yabang mode* amp.
teka, nakita ko to sa friendster sa barkada ko. post ko dito. hangkyut namen jan amp. taken at the NBC Tent sa may the fort. click nyo na lang image for the original size.
nanuod pa kami santa-santita kanina. ayus lang. anlaki talaga. lol. anlupit ng tatu-tatuan ni jericho sa likod. wehehehe. at san naman natutong makipag-torrid si angelica?
*kay carlo kaya?* amp ulit.
mukang nagiging crush ko na si jericho. ngayon ko lang naaapreciate yung kagwapuhan nya. huhu. teka, baka si jericho ang sumunod. dati crush ko si rico yan, tapos namatay. wag naman sana si jericho. lol.
aylabyu jerichooooooo! amp.
nakausap ko pa yung friend ko na IT (Info. Tech) ang course. kasi sa kanila, walang thesis. pero isang buong sem ang practicum nila. tapos gagawan pa nila either website or system yung company na papasukan nila. sa case ng friend ko, website ang pinapagawa sa kanya na ang deadline ay sa december 23.
waaaaaaa. sana nag IT na lang ako. gawan ko na lang sila ng website. amp. sa com.sci kasi, system talaga pinapagawa. at ang big day ang defense day. may outside panel pa, working from different companies. yung tipong software engineer na, programmers.. mga ganun. hay.
sana malampasan ko to. pls. pray for me.
and please accept my apology sa mga bloggers na hindi ko nabibisita ang site nila at hindi nababasa ang entries nila. busy lang talaga ang lola nyo... kakabilyar... este sa thesis. :D