Friday, November 05, 2004
bakit ganun. sinabi nilang november 3 yung pasukan. pero walang pumapasok na prof. ambait ko pa naman pasok ako. pero di pasok sa classrum. hehe. ang gulo. amp.
anyway.. isang prof lang pumasok kanina, wala pa kaming ginawa. attendance lang. pero at least may additional points na. wahehehe. after that pumunta kami SM ni memel kasi isip nga namin manuod sine. the notebook pa yung huli kong punta ng movie house. wawa naman aku. hindi ako naglunch sa skul so sa sm nko naglunch. ever heard of
ichizen? japanese restaurant sya, pero more affordable kasi most of the japanese restaurants mahal dba? pero dun mura lang! hihi.
habang nakain kami dun, nagtxt si
plue! hihi. sabi nya, pupunta daw sya ng bukidnon. sya na papalit kay ethel booba bilang host. kaya magbibikini din sya. yihie! at isang malakas na sigaw ng
"allelujiaaaaa!" dahil may load na sya! hahaha!
pag-akyat namin sa sinehan, meron pa kaming 40mins para mag isip kung anong papanoorin, the incredibles or... nalimutan ko na un isa. hekhek. so, pumunta muna kami sa bilyaran.
pagbaba dun, napag isip-isip namin na P70.00 lang ang magagastos kung magbibilyar. at P180.00 kung sa sinehan. kaya, kitang-kita naman, mas mahal sa sinehan. eh tag-tipid ngayon. kaya nagbilyar na lang kame. wahehehe. at kailangan magpapayat, kaya nagpapawis kami sa bilyar. (nakakapawis un ha) kaya kung nakikita nyo sa bandang kanan ninyo, meron kaming standing. wehehehe. gudlak na lang samen kung makaka-abot kami sa 100 noh.
nung pauwi na kami, mejo umaambon. napansin kong may rainbow.
kita nyo? hangkyut! dalawa nga yan eh. magkatabi yung rainbow. pero di na nakita jan. hihi. malabo kasi yung isa. hangswerte naman nung bahay, nakuhanan ko pa ng piktyur. san kaya ang pot of gold?
jaja
| Friday, November 05, 2004 |
Thursday, November 04, 2004
jaja
| Thursday, November 04, 2004 |
Tuesday, November 02, 2004
HAPPY THREE YEARS SA BEBE KOW!
LOVE YOU! :D
jaja
| Tuesday, November 02, 2004 |
Sunday, October 31, 2004
what a day. lol.
ginising ako ng nanay ko ng alas syete y media ng umaga para maligo na kasi pupunta kami ng batangas kasi andun yung lolo ko kasi hindi pwede bukas kasi *hingal* hindi makakapasok dadi ko kasi *hingal ulit* hindi pwede ipasok yung kotse sa loob ng semen *hingal ulit ulit* teryo dun kasi..... dba nga paralayzed ang dadi ko.
matagal pa yung byahe namin sa pagtigil dun sa sementeryo. 15-20mins lang yata kami nandun tapos yung byahe dalawang oras. ampft. 11:30 yata yun ng umalis kami sa sementeryo at naghanap ng kakainan. eh ang kinain ko lang na agahan yung choco mousse na binili namin kagabi, so parang hangin lang laman ng tyan ko. gutom na gutom talaga, kaya nung nananghalian.. pwersa! ayun. inimpacho.
nung pauwi na kami, ala una pa lang nun. eh wala kaming maisip na mapuntahan. nde naman pwede sa enchanted kasi hindi nga makakalakad c dade, eh ndi naman dala yung wheelchair. hindi naman pwede swimming kasi wala kaming dalang damit. kaya dumerecho uwi na. wawa naman. pero hindi pa tapos jan.
pag uwi dito, parang feel nga namin mag swimming. so go kami sa ever loving Mt.Sea resort dito malapit samin. ok naman. kaso nagmahal yata ang entrance. P160.00 na. dati P150 lang. huhu., anyway.. nagtagal kami ng mga apat na oras dun. nag slide ng nag slide sa mataas na mataas na slide at sa malalim na babagsakan. ayus naman. sarap ng feeling pag nalulunod. *nyehehehe* kasama ko nga pala sila memel, utol ni memel na si katrina, at utol ko, si justine. pati utol ko na 8yrsold lang sinama ko mag slide. hindi naman sya natakot. so lunod kaming dalawa. wekekeke. ayus naman. pag kaming dalawa ni memel ang nagsslide, nadadaganan ko sya. kasi ako lagi sa likod nya. so, for a change, ako naman ang nasa harap. ayun. ako naman ang nasipa sa likod. cool.
pagkalipas ng apat na oras, umuwi kami dito sa bahay namin. kumain. pero hindi pa rin tapos ang laboy ko. umalis pa kami ni memel kasi maglalaro sya ng basketball. so, ako naman tong epalogs gusto sumama. dapat nga hindi na ko sumama. hehe. puro lalaki (syempre) at muka kong basang sisiw dun na nanunuod mag isa. kung hindi pa ko samahan nung ibang barkada ni memel. amp. hindi na ko sasama next time.
usapan namin ng nanay ko, pagkatapos ng dalawang oras uuwi na ko, kaso, i broke my promise. ahehehe. late ako ng 30mins. kulit kasi ni memel. pinapauwi na ko, laro pa din. diba. pero mapalad pa rin ako, kasi pag uwi ko tulog na sila dito.
ewan ko na lang bukas. wag sana ko gisingin sa sermon.
bukas naman sa south cemetery ang punta ko. baka may mga pupunta ng south jan ha! eb. lol.
ngayon ko lang na-email yung pic ng utol ko na pinag-tripan namin sa landmark. hehe.

Thank You For Not Sitting. ok ba facial expression? nakakaloko noh.

New Arrival. eto yung mga bagong dating na kubyertos na pinagpipilian namin. kaso napagtripan na naman ang utol. kaya eto itsura nya. wawa naman.
jaja
| Sunday, October 31, 2004 |