Friday, September 03, 2004

went to UP Diliman to attend the Philippine Youth Congress in Information Technology. i only got one word...

NAKAKATAMAD!!

hay. puro dakdak eh. tapos slide lang. huhu. kaya nagpicturan na lang kame..



me, lyzette and niqua


me and zet. bored. lol


analyn and me.


kakagising lang nyan. haha. tignan nyo maga mata. tinulugan lang yung seminar. kulet eh. ang lam ko kasi reserved ang seats namin, pero pagdating dun wala kaming maupuan. tapos andami pang hindi rin nakakaupo pa.

usher1: wala pang upuan yan panigurado..
usher2: miss, dito na lang.. dito sa may labas
jaja: kala ko ba reserved ang seats namin? bat wala nang space?
usher2: kasi nag over book sila eh.. wala nga rin maupuan yung iba eh
jaja: ang aga pa naman namin nagbayad kasi sabi para mareserve na ang upuan. tapos ganito pala..
usher2: magkano ba binayaran nyo?
jaja: 500
usher2: tapos babalik ulit kayo bukas?
jaja: hindi na, day1 lang kami. dapat kasi may upuan na kami
usher2: dapat maaga din kayong nagpunta..

grrrr.. to think na almost 30mins lang kaming late.. traffic eh! yung iba sa hagdanan na nakaupo. kasi naman.. alam ba nila yung word na reserve?! reserve as in hindi ka na makikipag agawan ng upuan.. hay! basta.

kaya pagtayo nung iba (kasi gutom na sila at ngawit ang mga pwet) bigla namin sila inagawan. nyahahaha. kami nakakain na.. matalino yata to.. hinintay namin sila magutom.. kaya pagkaupo namin.. hanggang hapon na kami dun. nyahahaha. may refund pa kami. :D

jaja | Friday, September 03, 2004 |

Tuesday, August 31, 2004

huhuhuh.. galing akong overnight ngayon. as in overnight. sa kawit. nag overnight na kami sa bahay nung classmate ko kasi we have to finish the chapter 2 to 3 of our docu, which is due today. huwaaaaaaaaahh! kaya nag overnight na. aba, natulog ng 2am, sabi ko pa mag aalarm ako ng 4am, then itutuloy na namin. nagising ako ng 3:30, pano yung lalakeng si seus kinakalabit ako sa ulo. aaaamp. ginigising ako dahil nagmimiscol daw si memel, i-silent ko daw yung fone ko kasi baka naririnig dun sa kwarto, baka magising yung parents or sisters nung kaklase ko. bwiset. ako naman si silent. di ko naman naririnig yung ring. hekhek. pano 3days na kong puyat :(

nagising ako ng 3:30, tapos nagising na din sila. nagtatawanan pa kami kasi andaming nakakatawang nangyari. heheheheh. si seus hindi natulog kasi wala syang ppwestuhan. nung may nagising saka sya natulog kasi may pwesto na. haha. ayus dba. tapos may nangyari pa mas nakakatawa, di ko na kkwento.. nakakahiya :p

hanggang 4am nagkkwentuhan kaya sabi ko simulan na yung docu para matapos na. binuksan na ang pc, nagtatanong pa nga sila sakin. tapos yung sunod ko nang natandaan, 6:30 na. nyahahahahaha! nakatulog pala ko ulit. amp. super lamig kasi nung place, mejo sa tabi ng ilog. lam nyo ba yung aguinaldo shrine? yung bahay nung classmate ko sa tabi lang un, eh dba may ilog dun sa gilid (na nachichismis na dun daw natakas si aguinaldo. meron daw shortcut sa isa sa mga rooms sa bahay nya na direcho sa ilog. ampft.) kaya mejo sa tabi ng ilog yung bahay nila. actually tabi pala talaga, kasi pag pumunta ka dun sa likod bahay nila kala mo nasa beach ka eh. simula sa mababaw tapos palalim na, dun sa ilog. lol.

nag almusal na kami. tinimplahan pa nga ako ni peachy ng kape (walang gatas aaaamp) anyway, tnx peachy! lol. 2 pirasong pandesal na palaman ay scrambled egg. pagkatapos ay inayos ko na yung docu. hanggang sa isa-isa nang nag uwian.. si ranie, analyn, tapos sumunod na ako. naiwan pa sila peachy at seus. syempre pati si wiwa, bahay nila yun eh! nyekekekek.

nagkkwento yung tatay ni wiwa kanina. ghost story. kagabi daw, mga bandang 11pm-12am, nag iinuman silang 3 ng mga kaibigan nya. may dumating na matanda, niyaya pa nga daw nila uminom. uminom naman. nakainuman pa nila. yung isang kaibigan umuwi na, nagpahatid na sa labas kasi kinikilabutan daw. pagbalik nila, wala na yung matanda, at 3 lang yung upuan. san nga pala umupo yung matanda, eh 4 sila dba?

buti na lang wala kami sa labas. syet. kinikilabutan ako kanina nung kinukwento.

pag uwi ko dito sa bahay, mis na mis ako ng dade ko. lol. tumawag ako kaninang umaga, sabi ni mame kanina pa daw silip ng silip sa kwarto ko, tinitignan kung nakauwi nko. hehehe. pag uwi ko..

dade: uuuyyy... bebeeeee... antagal mong nawalaaaaaa....
jaja: ngek. (sabay kandong. wekekekek)

bebe kasi beybi. beybi damulag. lol. if i may add, dapat only child ako.. 13yrs din akong unica hija, hanggang sa aksidentend dumating ang utol kong si justine. :D hekhek. kaya hanggang ngayon beybi pa rin ako para sa kanila =)

ang gusto kong gawin ngayon, ay matulog. babagsak na naman ang mata ko. may exam pa ko sa nihonggo mamaya. midterm namin. huhuhu. buti mamaya pang 3pm.

zZzZzZzZzZzZzZz..... islip!

jaja | Tuesday, August 31, 2004 |

Monday, August 30, 2004

August 27, Friday, Mayrics

barny: tangina. naliligaw yata ako. this is not my place
jaja: ako din eh, taena. di ko expected na ganito dito

sabay inom ng beer. makaraan ang paginom ng tatlong bote.. dere-derecho, walang pulutan!

barny: tignan mo yung babae sa bar, may sore eyes. pag may sore eyes, rock! \m/
jaja: hahaha! eh yung nasa likod mo, naka office attire. pag naka office attire, rock! \m/
barny: meron nga sa labas naka uniform eh. pag nagpunta ng maryics at naka uniform, rock! \m/
jaja: yeaaaaaaahh!!! this place rocks! nyahahaha!
barny: uy, may pogi
jaja: nasan?

syet. nag inom na lang kami ni barny at naghanap ng gwapo. lol. hinintay makakanta ang insan ko pagkatapos uuwi na kame. hay. pagkatapos kumanta, lumabas na kami kagad. syet ihing-ihi na ko. san ba ko pwede umihi dito??? madumi daw ang cr sa loob. sarado naman na ang shakey's. bukas pero nakakahiya maki-cr kasi may meeting sa loob. cge hanap kami ng may cr. lakad-lakad...

barny: eto fudge.. may cr dito. ganda pa ng sounds.. red hot
jaja: dali naaaaaaa... wiwing-wiwi nkooooo....

makatapos magwiwi.. mejo nahimasmasan.. kain na sa 7-11! nyahahahaha! ayus. sabay sakay sa taxi. uwi na.

PANAWAGAN:

barny, naiwan mo ang hand bag mo kay memel. yung cap mo. lol.

jaja | Monday, August 30, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.