sisimulan ko ang blog na ito sa paggising. wehehehe ang aga naman kasi ako ginising ng nanay ko, 8:30 pa lang! aaaamp! tapos madaling araw ako natulog. huhu puyat talaga. pero gumising na ko dahil pupunta pa ko ng parlor. hindi para magpa make-up noh. nagpa hair spa aku para maganda hair. hihih nagpatrim din ako dahil naniniwala akong pag bday mo, maganda ka, at pag bday dapat nagpapagupit. lols. ilang barkada ko na ang nag bday tapos nagpagupit. so ako din dapat. hihi magaganda kasi sila nun eh. nagpasundo na ko kay memel sa parlor nun kesa mag isa ako umuwi. wawa naman hehehehe. eh di ang ganda ko na nga (oha! wala nang kokontra jan wehehe) uwi na kami. pagdating ko nandun na ang mga mesa, upuan, videoke at lechon! ayus! sabay nagkakantahan na ang dade ko saka lolo ko. akala ko nga nagiinuman na sila. eh alas onse pa lang nun! nagiinuman nga.. ng royal. wehehehe nandun na rin ang dalawang case ng softdrinks. pero wala pa ang tatlong case ng colt45. huhu pero hindi ako nababahala. iniisip ko nagugutom na ko. nyahahaha. kaya kumain muna kami.
pagkakain dumating na ang mga pinsan ko galing mandaluyong. nagkainan na sila. pagkatapos ay nagpasama na ko pumunta sa 7-11 para bumili. bili kami ng tatlong case nga ng colt45 na tig 500ml. ayus. (may mga natirang bote pa dito. 40pesos din deposit dun hahaha) pagkauwi, di pa namin nilagay sa ref. kasi hindi ko pa nga iniisip ang inuman. heheheh
maya-maya lang dumating na ang hipag ko, may dalang dalawang bote ng vodka (yung raspberry. bago daw yun) ayus. hapon, mga 4-5 yata yun, sinimulan na namin yung vodka kasi wala ngang magawa. hehehehe tapos kantahan na rin en everything.
mga 5:30 may nakikita akong naglalakad papalapit ng bahay namin. aba may bisita na akong kaibigan ko! (ang aga yata nila? haha) mga tumakas lang din pala sa inuman yun. may party din kasi silang pinuntahan, tumakas lang para pumunta sakin. awww. pinakain ko na sila, pagkatapos binigyan na ng insan ko ng beer. heheeh habang nag iinuman sila ng beer, ako dun sa vodka. lols. (yung vodka lasang tempre. aaamp!)
mga 6 nagsimula akong magtawag para siguraduhin ang mga pupunta. yung isa masama daw ang pakiramdam. yung isa nasa manila. yung isa happy birthday na lang daw. yung isa aalis daw sila may lakad ang pamilya. wala lang. nakakatampo lang sila. buti na lang may mga close parin akong dumating, as in sinamahan nila ako talaga dito. maaga pa lang iniisip ko na kung pano namin uubusin ang tatlong case ng colt45 kung konti lang kami. tsk.
mga 7 may mga nagdatingan na. yung 2 buti may dalang kotse kaya mejo mabilis (naisip ko) pero mali ako, naligaw sila. amp. hekhek. buti nakarating pa. nung lumabas na kami sa garahe biglang nawala yung 2 naunang dumating (yung 5:30 pa lang) tapos nagtxt, sinundo daw sya ng gf nya. sinama na nya yung kasama nya. ahuhuhu hindi man lang nagpaalam. bigla na lang nawala.
(click nyo na lang para sa original size) yan yung mga pumunta. minus yung isa kasi sya yung kumuha ng picture. wehehehe. hay. konti noh? di naman kasi ako masyado nag invite kasi alam ko pupunta sila lahat. :(
anyway... inuman na! hahahah nandun na kami sa garahe. inuman, kantahan. ganun lang.
dumating pa yung 2 ko pang kaibigan. sumunod sila. parehong kakauwi lang nung 8pm. yung isa galing trabaho (double pay nga naman kasi holiday) yung isa galing baguio. kaya nakaka touch kasi pumunta pa sila.. (kasi nagtampururut ako! nyahahaha)
ayan ang insan kong maganda. hehehehhe nung maliliit pa kami, kaming 2 daw ang magkamuka. pero ngayon sa tingin ko hindi na. kasi maganda pa sya sakin! huwaaahh.
pasensya na sa itsura ko. mejo tipsy na yan eh. nyahahaha. mukang ewan.
ayan si barny. wala lang. sya lang si
barny. hekhek. sweet noh? :P
of course, makakalimutan ko ba ang closest friends ko? lyzette and seus. ok yan sila. eheheheh magugulo. actually dito natulog yang mga yan. hihihihih kaya sila ang natira.
and i sent you away ohhhh mandyyyyy yan yung kinakanta ni barny jan. nyahahahaha! kita nyo ba si maui taylor? nakow, viva hot babes yung nanjan sa videoke. yung video talaga nila. nagpapakita nga sila boobs jan eh. kaya yung nakanta mawawala. haha. amp. mga bandang 12 na yan, nagkakantahan pa kami dito. tulog na ang mga kapitbahay. tahimik na ang paligid. kami na lang ang natitirang maingay. hahahahahah. kaya ala una lumabas na ang mame ko para sabihing pataying na daw yung videoke. amp! ang dami pa namang kakantahin pa dapat nun. amp. kasi nakakabulahaw daw kami ng kapitbahay. hahahahahah. kaya pinatay na pagkatapos ng ilang kanta. kinuha naman ang gitara at dun pa rin nagkantahan. nyahahahaha! sabay tambol pa dun sa table. kaya maingay pa rin. haha. buti di naman na lumabas mame ko.
ayan pala yung 2 close friends ko. dito sila natulog. eheheheheh. nung naubos pala yung 3 case ng colt45 (ayus naubos namin dba. hekhek. isip pa ko kung pano. amp) kulang paaaaaaa! kaya bili pa sila. pinagkasya pa nila yung natitirang pera. kaya 8 bote ba ng tig 500ml yung nabili. ayus. kaya natapos kame, 4am na. mga nagkape pa nga kami eh. hekhek. amp.
ang mga lalake natulog sa sala. syempre kami ni lyzette magkatabi sa kama ko. lols. nagising kami 9am na. si seus nagising 6am pala. hahahaha wawa naman. nakita daw ng yaya ko nagtitimpla na ng kape. hekhek kaya nung pagka almusal, tulog muna sya dun sa kwarto ko. eh di sya makatulog. hekhek uuwi pa naman ng qc yun.
pagkaligo, nauna nang umalis si seus. natira dito c memel saka si lyzette. dito ko na pinag lunch kasi pupunta din naman ako kila memel. saka ipapadevelop pala yung pictures.
pagdating kina memel nakatulog ako. hahahahah sobrang antok ko talaga. buti ginising ako kasi papadevelop pa nga pala namin yung film. nung pinadevelop namin almost 2hrs yun kasi pina-4R ko yung size. (gusto ko malaki eh. lols) kaya habang naghihintay, nagbilyar muna kame ni memel for 1hr, then kain for 1hr ulit. ayus. heheheheheh. nung nagbibilyar kame, ganda ng laro ko. wekekekek. wala lang gusto ko lang i-share :P di ko malimutan eh. hahahahah may mga lalake pang nanunuod. amp. kakahiya. eh yung pants ko pa nahuhubo. haha waaaaahh aamp.
umuwi ako dito sa bahay 7pm. tas natulog ng 9:30pm. bagsak talaga katawan ko. pano ba naman, pagkagising nung umaga, nahihilo pa ko. lasheng pa yata ko eh. nakaligo na ko't lahat, mejo hilo pa. sabi nga ni memel amuy beer pa daw ako. huhuhu. amp.
yung lolo ko nagsuka nung umaga, sinundot daw nya para tanggal hang-over. kaya ginaya ni seus, eh sya wala daw lumalabas. meron lumabas dugo. bwahahahahaha eh kundi ba naman gagu pilitin mo sumuka dabah. sabay lunok daw eh. hahahaha taena tawa nga ko ng tawa nung kinwento eh. lols.
pero masaya talaga ako nung birthday ko.ΓΌ