Saturday, July 24, 2004
ANG SARAAAAAPPP!
wakekekeke! kahapon, nagpamasahe ako kasi masakit ang tuhod ko. pero gusto ko buong katawan kaya buong katawan ang pinamasahe ko. nag-shower, nag-sauna, uminom ng iced tea, nagpasarap. saka sinalang sa masakit na masahe! huwaaahh! parang baboy na kakatayin eh. pero ok lang naman. sobrang nagtunugan mga buto-buto ko, sarap sa pakiramdam ng ngalay na katawan. pero may isang problema.. buo ang pera ko! wala akong pang tip! (pagkatapos kasi ng masahe, automatic na bibigyan ka ng drinks, mamili ka hot tea, coffee, or iced tea, syempre pinili ko iced tea.) tapos sa tray may kasamang envelope, dun mo ilalagay yung tip mo. buti na lang may natirang bente pesos sakin. yeees! bente na lang muna lalagay ko. tutal, malaki namang tip yung binigay ko sa kanya nung isang buwan, pasensya na muna ngayon. wekekeke.
naalala ko dati nung sinama ko mame ko dun sa spa na yun, after shower syempre sauna ka. tinanong kami kung anong gustong drinks, ako iced tea. si mame pinili hot tea. hindi nya alam na sa loob ng sauna iinumin un. nyahahahaha! ano pa nga bang nangyari? hati kami sa iced tea ko. ampft!
tapos nung palabas na ko nandun sa aisle un nagmasahe sakin, nginitian pa ko. waaaaa. kakahiya.
may isa pa kong reklamo. dati, laging holistic massage (combined shiatzu and swedish massage) kinukuha ko. kahapon, nag aromatheraphy massage naman ako, for a change. aba, pagkapasok ko ng room ko wala kong naamoy na mabango! natapos na ang masahe at lahat, wala talaga! bandang huli naman na ko sinipon, kc nakadapa ako kaya mejo nagbara yung ilong ko. pero wala talaga! sayang lang yata yung binayad ko, mas mahal pa naman un. ampft!
pagkatapos magpamasahe, nanuod naman kame ng
i,robot.
ANG LUPIIIIT, PARE! kung marunong kayong mag-appreciate ng movie, syempre yung kagaya netong i,robot, na may technology, yung tipong "ang galing!" tapos may idea ka na sa pinapanuod mo. may idea ka ano un ginawa. basta! ang hirap i-explain. pero yun talaga masasabi ko. ang lupit, dre! :p
ngayon, sunday, birthday ng namatay kong lolo. (hehehe ang panget pakinggan) kaya dadating ang mga kamag-anak sa father side. syempre mamaya may inuman din! woohooo! wala pa naman akong pasok bukas. sakto. wekekeke.
jaja
| Saturday, July 24, 2004 |
Tuesday, July 20, 2004
got this from my email.. wala lang. nakakatuwa. ehehehe.
A mother enters her daughter's bedroom and sees a letter on her bed. With the worst premonition, she reads it, with trembling hands:
Dear Mom,
It is with great regret and sorrow that I'm telling you that I eloped with my new boyfriend. I found real passion and he is so nice, with all his piercings and tattoos and his big motorcycle. But it's not only that mom, I'm pregnant and Ahmed said that we will be very happy in his trailer in the woods. He wants to have many more children with me and that's one of my dreams.
I've learned that marihuana doesn't hurt anyone and we'll be growing it for us and his friends, who are providing us with all the cocaine and ecstasy we may want.
In the meantime, we'll pray for the science to find the AIDS cure, for Ahmed to get better, he deserves it.
Don't worry Mom, I'm 15 years old now and I know how to take care of myself. Some day I'll visit for you to know your grandchildren.
Your daughter,
Judith
PS: Mom, it's not true. I'm at the neighbor's house. I just wanted to show you that there are worst things in life than the school's report card that's in my desk's drawer. I love you!
Call when it is safe for me to come home!
*|**|**|**|**|*
hihihi. sesend ko nga yan sa mame ko. wekekeke. anyway.. maya prelims na namin. im supposed to take an exam on my 2 subjects, but then, wala eh! exempted lang naman sa nihonggo! wekekekeke! kabato! kaya dun lang sa current issues. sa thursday pupunta pa ko fiesta sa kawit. ayus! :D
jaja
| Tuesday, July 20, 2004 |
Sunday, July 18, 2004
kuwawa naman aku.
ngayon na simula ng chapter1 ng thesis namin. deadline sa friday. we only have 1week. may mahabang assignment pa kame sa AI. kailangan ko pa ng 3 reaction papers. prelims week pa ngayon. self study pa kame sa AI, dahil hindi sya nagturo buong prelim, nawala daw lecture nya.
ginawan ako ni
barny ng reaction paper para sa isang topic, kalahati nga lang. tinuloy ko na lang. nagpagawa na lang ako sa friend ko para dun sa 2 reaction paper (buti na lang i have good friends. lols) kakatapos ko lang ngayon sa isang mahabang assignment. natapos ko na rin i-type yung project proposal namen. haggardness!
di ko nagawa yang mga yan kasi lumayas kame kahapon. nung saturday morning nasimulan ko na yung assignment tapos lumabas din kame ni memel. hay. ang hirap pala maghati ng time. kailangan timbangin mo kung ano dun yung pinaka priority mo.
last night nagpunta kami glorietta, bibilan kami ng kuya ko ng kung ano. ako gusto ko sapatos, isang utol ko gusto celfone, isang utol ko ewan ko kung ano gusto, isang utol ko gusto barbie. pero walang nabilan saming lahat. tatay ko nabilan polo saka pantalon. AAAAAMMPP!
dun na rin kami kumain sa Kimpura, nanlalambot na tuhod ko sa gutom. 5:30 nun. eh nagbubukas ang kimpura 6pm. so naghintay pa kami ng 30mins. ang sakit sa sikmura! kaya nung kumain na kame, todo! parang nasobrahan naman ako.
ang saraaaap! kabato. lols. ang linis ko kumain. kung makita nyo lang place ng utol ko, balahura. bwahahaha. naka pose pa yung kamay ko. wekekekeke. kaya nung kinagabihan dumerecho naman kame.. as usual.. sa Manila Pavillion. ang saya-saya dun! at as usual.. kumanta na naman kame! wekekeke. kaming dalawa ni barny. kumanta kami bakit ngayon ka lang. feeling freestyle kame eh. kilala na yata kame dun. sabagay wala naman masyado tao, at yung mga andun.. di naman namen kilala. kaya go na!! hihihi. eto ang mame ko:
sabi nya ang taba daw nya jan. wekekekeke. pareho kami malaki mukha. tinapos pa namin yung set ng sign of times (band nila) 1am na yata yun. si barny may pasok pa ng 7am. so, goodluck syo.
from left to right: me, tom, carmela, barny. si tom and carmela yung vocalists dun sa band na yun. kung gusto nyo lang every sunday sila dun. ehehehehe. i may add.. si carmela cuneta yung kumanta nung sa endless love theme,
Di ko na kaya, na gustong-gusto ng nanay ko. lols. kabato.
nawa'y naaliw kayo sa entry ko ngayon. kung hindi.. wala lang! la ko magagawa. wehehehehe. basta, ang alam ko lang ngayon.. ang dami kong iniisip. haggard ako! syet!
sana pumayat na ko.
jaja
| Sunday, July 18, 2004 |