Wednesday, May 05, 2004

Eto na ang update! Get ready for a trip to Palawan! lelz. this'll gonna be a loooong blog :p

Day 1
At the Airport

ehehe. ayus ba airport pa talaga nag simula. anyway.. pagkatapos naming mag chek-in at walang iniwanang hand-carry bags (mga tamad. lol), we headed for Nescaf? para kumain. basta kainan sya ng mga mahal na pagkain. hehehe. dun lang may bakante eh. lol. i ordered one corned beef pandesal and a frozen raspberry choco latt?. talap grabe. kaso yung cornedbeef pandesal, 100+ tapos kapuranggot laman sa loob. buset. then i sat down, guess who's the girl sitted in front of us..



kung hindi nyo makilala, si Cindy Kurleto po yan. antangkad nya at sobrang ganda. para nga lang praning. naka walk-man sya habang nagbabasa ng glamour magazine. tapos bigla na lang ngingiti.. bigla na lang tatawa. at tatawa pa ng malakas. at malaks pa. sabay takip sa bunganga. malamang, hindi nya naririnig yung tawa nya. naka walk-man nga eh. ganda sana, parang engotz nga lang. pero ganda talaga.

at eto na ang departure. nagtawag na. pasok na sa eroplanong maliit ng PAL. ang liit eh. 6 seats lang sa isang row. 3 seats on each side. ansikip. pero ok lang. i was sitted beside the window, on 27th row. FYI, yun ang pinaka dulo ng airplane. as in nasa buntot ako. nasa likuran ko ang lavatory (CR yan hehe arte noh). kada flush ng tao na nasa cr, rinig na rinig sa pwesto ko. yun bang nakakatulog na ko, tapos magugulantang na lang kasi may nag flush. bwiset. ang ingay. anyway.. ok naman ang flight. 1hr 15mins daw ang tagal, pero halos 1hr 45mins kami sa ere. baket? kasi masama ang panahon sa Palawan. naulan. pag nadadaan nga kami sa clouds naalog yung eroplano sa liit eh. tapos biglang bababa. yun bang parang hinihila yung bituka mo. ansarap eh. hehe. pero nakakatakot din kasi nauga eroplano. di mo alam kung ano na nangyayari dba. habang nakakatulog na ko, bigla nagsalita ang piloto.. kung hindi daw magki-clear ang Palawan, we're going back to Manila. bigla ako nagising, sabay tanong sa katabi.. ano daw? babalik ng Manila? waaaaaa! mukang mauudlot ang palawan ko! yan ang rason kaya kami nagtagal sa ere ng ganun katagal. paikot-ikot lang. hindi maka-landing. palanding na, biglang lumiko. kala ko babalik na. pero ikot lang pala. bumwelo lang pala. hehehe. ayun. naka landing din. mejo malakas ang ulan sa Palawan. parang nawawalan na ko ng pag-asa.

In Palawan
dumating na ang sundo namin. ayos. lunch na! dun kami nag lunch sa Kawayanan Resort. bago lang daw yan. 1yr pa lang daw yata. sarap ng pagkain! karamihan seafoods. hindi kami nag check-in dun. umalis din kami. kumain lang. hehe. dito ko nakilala si Miggy, 9yr-old boy, anak ng tourguide namin. hindi sya actually tour guide, inutusan sya ng nagtreat samin dun para maging tour guide. (taga Palawan din kasi sya kaya alam nya mga places dun) dumeretso sa Crocodile Farm. katakot ang crocodiles! at ayoko hawakan! at pumunta din sa bahaty ni Speaker Mitra. tourist spot na rin pala ang bahay nya dun. nasa tuktok eh. hehe. ganda ng view. may labrador pa nga. katakot eh.

At Pandan Island
around 4pm, we decided to go to Pandan Island. dito kami stay for 3days 2nights. island sya dun sa Honda Bay. kaya honda, galing sa word na "onda" meaning "deep". o dba, meaning pa lang nakakatakot na. may-ari pala nung island na yun yung uncle ng nagtreat samin kaya pala private island yun dun. Pandan Island is a 40min boat ride from the main land. eh umulan pa nun, kaya ang lakas ng alon. at first time ko pa sumakay ng bangka ng ganun katagal. waaaaaa. abot-abot ang dasal ko eh. haha! then we reached Pandan Island and decided to walk by the shore. hehehe. white sand eh! para kong nasa paradise! lols. sobrang linaw ng tubig. kaso nga lang walang kuryente. problema ang ilaw sa gabi.

syempre, hindi mawawala ang swimming! hindi na namin pinatawad, nag swimming na kami kagad hanggang gabi. hehe. ang ilaw namin sa cottage? kandila at yung nasa bote na may gas. meron pa yung binobomba, anu ba tawag dun? basta yun. sarap pa ng pagkain. hehe. sa tent kami natulog para feel! malas ko nga lang, yung tent na napunta samin walang sleeping bag. kaya ramdam na ramdam ko ang buhangin. ansakit sa katawan kinabukasan eh. hay. kasama ko sa tent yung isang ka-officemate ni mame. 4 tents kami. tigagalawa sa isang tent. hehe.

Day 2
sarap matulog sa tent! anlamig ng hangin, rinig mo pa ang alon sa dagat. sarap talaga. first time ko din matulog sa tent. wekekeke. kaya siguro masarap. ampft. hehek. woke up 7am, late na yan ah. ako pinaka late nagising. sila lahat gising na yata ng 6am. hehe. ikaw ba matulog ng 9pm :p anyway.. around 8am we decided to walk around the island. naikot namin yun ng almost 40-45mins. kaya natagalan kasi may piksyuran pa, at hulihan ng hermit crabs (lols) at nagpulot ng shells. hehe. pero in 30mins siguro kaya ikutin yun. kung lakad lang. :D

pagkabalik sa cottage, syempre swimming na naman! hahaha! mga adik eh. dun ako nasunog. kulay lechon na nga ko eh. at sobrang sakit ng sunburn ko. hay. sarap ng lunch, spareribs, tuna, porkchop at indian mangoes na may sibuyas at kamatis. yum! after lunch, we decided to go island hopping! bangka na naman waaaaaaa! went to almost 2 islets lang. katamad na eh. hehe. starfish island ang snake island. sa starfish island, obviously, maraming starfish. nagkalat talaga sa shore. sa snake island naman, its not the snake. kaya snake island kasi mahaba yung island at may curve sya. basta korteng snake daw. lols. dun ka din pwede mag fish feeding. go snorkelling, bring some bread, lalapit na kagad mga isda sayo. kaya lang haven't tried to go swimming nung nag island hopping kasi.. waaaa! naalala ko na naman. nevermind. hehe. dapat punta din kami sa dos palmas, kaso di na pala pwede mag island hop dun simula nung tungkol sa abu sayaff. dapat check-in ka na dun sa resort ka na. went back to Pandan Island bringing with us 5 starfishes. hahaha. nagnenok pa ng starfish sa island eh. hehe. dinala namin sa Pandan Island para dumami starfish dun. pero nung pinakawalan namin sa shore, pagbalik namin para mag swimming (ulit) 2 na lang sila. waaaaa. babalik yta sa starfish island. hehe. at gaya ng sinabi ko, nag swimming ulit kame til sunset. til sunset lang, kasi mahirap maligo. nagpapaigib kami sa mga care-takers ng softwater dun sa balon at dun kame naliligo. hehehe. ayus ba. eto pa pala, mga mag-aasawa dun are around 14-16yrs old. wala kasi silang ginagawa dun, kaya dumadami sila. walang kuryente. may mga nakita akong basketball court, volleyball court and a billiard table (syempre naglaro kame hehe), yun lang libangan nila kaya siguro ganun. nasa gitna pa sila ng dagat. hehe. at gabi na naman. sarap ng pagkain. hay! hehehe. tent na naman! maaga natulog kasi maaga din ang gising kasi buh-bye na sa Pandan Island.

Day 3
bangka na naman! went to the main land at nagbyahe ng almost 2hrs papuntang underground river. hindi pa mismong underground river un ah! first 30mins ok pa ang daan, smooth pa eh. the next 1hr 30mins rough road na. waaaaa! humahampas ang ulo ko sa van eh. lols. nakatulog pko sa van ng lagay na yun ah. hehehe. san ka pa?! pag lumalalim nga lang tulog oo sabay hampas ng ulo ko sa sandalan. badtrip eh. anyway, after the ride, dumating na kame sa sakayan ng bangka papuntang underground river. 15mins boat ride, 5mins walk, then sakay sa paddle boat papasok sa loob. hehe.

At the Underground River
-TRIVIA-

  • 9meters ang pinakamalalim na nadaan ng paddle boat.

  • 1937 (yata?) ang year ng unang nakapasok sa loob ng river.

  • 65meters (213.20 ft)ang pinakamataas na ceiling sa loob.

  • made up of limestone yung mga rock formation sa loob.

  • dahil sa mga stalactites and stalagmites kaya nagkaka rock formation.

  • may 50,000 bats sa loob ng cave.

  • yun ang longest underground river na may habang 8km


tapos na trivia. kwento naman. hehe. 1.5km lang ang pinasok namin sa loob kasi hindi na pwede pasukin un loob pa nun. aabutin ka yta ng 6hrs bago makarating pa sa kaloob-looban. at mga senior marines lang daw nakakapasok dun, ska yung mga may permit. may mga nakita kaming rock formation like: t-rex, giraffe, bacon, mushroom, puso ng saging (hehe), and also whatthey call the cathedral: meron dun rock formation ni mama mary, holy family, and a giant candle na may formation ng castle sa tuktok. super ganda as in! wala kong masabi. hehe. wala pa kong masabi nyan. pano pa kaya kung meron. lols.

Back to the City
namalengke muna kameng mga pasalubong. hehehe. kasoy, danggit, lamayo and dried pusit. ehehehe. isang bag yun lahat. kulang pa. amp. siniksik pa sa bag ko. bumili din kami ng rainmaker sa Asiano, a native store in the city, mejo mahal nga lang tinda. imagine nagtanong ako ng bracelet, sabi 350 daw dahil gawa daw yun sa different bones ng kung ano mang animal. hehehe. limot ko na eh. carabao yta.

went back to the resort at nag check-in. pahinga then dinner naman sa Kahlui (hindi kahlua barny! :P) isang restaurant din dun na ang ganda din ng ambiance. one must remove his/her shoes before entering the resto. yun daw ang pinupunta dun. hehe. kawayan kasi yung place, then may mga banig-banig at mga anik-anik pa. (hehe) at dim ang lights kaya super ganda ng place. dun namin nakita yung nagtitinda ng pearls. syempre bumili ako kahit 50pesos na bracelet. hehe. ang ganda eh bakit ba. binigyan pa ko ng free bracelet, pero imitation lang. lols. meron dun south sea pearl yata yung tawag, talagang tunay. pinakita kasi inapuyan nya ng lighter wala talagang natutuklap. tunay talaga yung pearl. kaso itanong nyo naman magkano ISANG pearl? merong 1k+ merong 2k+. kaya wag na lang. haha. may binili din ako, necklace, then meron naka preserve na kabibe dun, tawag nila wishing pearl. magwiwish ka muna bago mo buksan yung kabibe, nandun talaga yung pearl. ang galing nga eh. naaliw ako ng konti. kaso ambaho nun syempre anlansa. amp. wish ko purple yung pearl na makuha ko, meaning wealth (lumalabas pagkamukang pera eh noh. haha) pero nakuha ko peach (meaning health) eh healthy na nga ko eh! heheheheh. pero ganda nya. may lalagyan sya yung pendant ng necklace. sana manganak. haha. amp.

Back to the Resort
nag-ayos. naligo. natulog.

Day 4
had our breakfast at the resort's dining area. ansarap ng breakfast ko! garlic rice saka lamayo. Lamayo yung tawag nila dun sa fish na yun, pero parang danggit din sya eh. basta masarap. yun lang. haha.

At the Airport
eh di naka check-in na kami ng mga gamit. naka-upo na kami sa waiting area. sa tabi ko may 2 vacant seats pa. biglang may dumating na lalaki nakatingin sakin. para bang senyas kung pwede ba syang umupo sa tabi ko. inisnab ko pa. hehe. kasi naiinitan ko. sakit pa ng sunburn ko. eh di umupo na sya sa tabi ko. biglang sabi ni mame katabi ko daw si Jeffrey Hidalgo.

me: sinong jeffrey hidalgo?
mame: tanga. yung singer! ayan o katabi mo!
me: ow? sya ba yan? inisnab ko pa naman
mame: (tawa ng tawa)
me: err.. what's so funny?
mame: picturan ko kayo dali!
me: wag na nakakahiya!
mame: sige na! (sabay tayo)

syempre kami naman ngitian, habang si jeffrey na nasa tabi ko dedma pa rin. sa ibang way nakatingin. haha. mukang engot sa pic.

tita josie: jaja, alis ka muna jan. ako muna upo jan papapicture lang ako
me: wokey. (sabay lipat sa ibang upuan)

aba, dedma pa rin si jeffrey. hanggang hindi na yata sila nakatiis. sinabi na kay jeffrey na magpapicture. haha. eh di ngitian at kodakan to the max na sila dun. habang nakasimangot ako sa kabilang side. ang init nga eh!

mame: hoy jaja picturan ko kayo ni jeffrey dali tumabi ka na dun!
me: wag na nakakahiya noh! kanina pa kayo picturan jan. hehe
mame: sige na wag ka na maarte noh!

eh di ako naman si tayo at bumalik sa kinauupuan ko nung una.

me: tayo naman daw picture
jeffrey: uy, sure!

tapos ngiti to the max din naman. bwahahahaha! parang ako yung artista eh noh. parang napilitan pa ko magpapicture kasama sya. hahaha. kakahiya. amp.

we finally arrived Manila at 11:45am. diretso sa bahay at syempre pahinga. bago pala umuwi syempre pina develop na yung pics. excited kami eh! pagkapahinga sa bahay, dumeretso na ko sa parlor to get a hair spa. dry na dry ang buhok ko. ikaw ba mabilad sa araw dabah. naligo pa sa tubig alat. tapos sinundo ako ni memel, kinuha ang pics, pumunta sa kanila, at... nagpahinga :) ehehehehe.

what a very tiring day! yung pics pala next post ko na ha, kasi dala ni mame. di ko pa ma scan. basta pramis post ko yun :)

thanks for reading! (kung nakarating ka dito. hehe)

jaja | Wednesday, May 05, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.