Friday, April 23, 2004

bakit ganun. may mga taong chismosa. yun bang walang magawa sa buhay kundi pag-usapan yung buhay ng iba. kesyo ganito sya, kesyo ganyan sya. nakakasama ng loob. yung tipong hindi ka naman ganun sa kanila. walang kang ginagawang masama. hindi mo sila inaano. at wala kang nasasabing hindi maganda sa kanila. pero ayun parin, tuloy pa rin mga pakpak ng chismis.

ang masama pa jan, kung ano yung totoong nangyari, nadadagdagan. nagiging eksaherado ba. bat ganun sila?

inggit siguro?

MALAMANG!

kasi, wala silang magawa sa buhay. papasok sa trabaho, pero halfday. madalas, absent. pag-uwi, gagawa ng chismis. malalaman ng kadikit ng pinagchismisan, sasabihin dun, magagalit ang pinagchismisan. magugulat na rin. baket? kasi iba ang nakarating. isang pamilya lang ang pinag-ikutan ng chismis, pag balik ang sama na ng dating. bakit ganun?

ang sama na ng loob ko. lagi ba talagang dapat bida ako? (anu ba yan)

2pts na eh. dalawang chismis na ang naririnig ko. sana, makita rin nya ang baho ng ibang taong mas malapit sa kanya. kahit sa loob lang ng bahay nila meron na kong alam eh. dapat ko bang ibunyag? hinde. kasi hindi ako yung klase ng tao na nagbubunyag ng sikretong sensitive. yun bang masama pag nalaman ng iba. eh bakit yung taong malapit sakin, na mas malapit pa sa kanya ang tignan nya muna? bakit ibang tao pa muna?

ah. ayaw ilabas ang baho. gustong panatilihing birhen ang bilog na kinabibilangan nila. gustong panatilihing maganda, masaya at perpekto ang mundong ginagalawan lang nila.

bakit ganun? ang sama sa loob.

sabihin ko lang dito:

hindi ko ayaw mag training. kaya ko lang sinabing hindi muna ngayon dahil wala akong masusuot na semi formal. bangko yun.. haler?! madami daw damit? nakapasok na ba sya sa cabinet ko? cge nga, paramihan. ako, 2 lang ang maong ko, yung anak nya, madami. ilan lang ang blouse ko dito, puro t-shirt. karamihan hindi na masuot dahil pinag liitan na. yung anak nya, madaming blouse, madaming t-shirt. marami rin ang sapatos pero mga snickers, rubber shoes, at step-in. yung anak nya, may sandals na may strap, may rubber shoes, at may black shoes na pwede gamitin sa ojt. eh ako? alangan namang gamitin ko yung school shoes ko eh bulldog style yun. hindi ba sya nag-iisip?


alam ko na. inggit lang talaga. walang magawa.

pag ako, nakabili ng damit ikkwento ko ulit.. "alam mo ba kung magkano to? ten thousand! ang sapatos ko? twenty thousand yan! yung mga blouse ko orig lahat yan!.." leche. kung alam nya lang mas gusto ko pa bumuli sa mga sale at ukay-ukay sa mall. bwiset.

bigyan nyo nga ako ng reasons kung bakit gustong gusto ng ibang tao pag-usapan buhay ng iba?

yung taong yun gustong-gusto subaybayan ang buhay ko...

gawin ba akong telenovela?

jaja | Friday, April 23, 2004 |

PALAWAN -- i'll be in Palawan for four consecutive days. whew! talap naman! hehehe! na-fax na yata ang itenerary. lilisanin ang Manila ng May first, stay sa hotel dun, island hopping for two days (uncle yata ng nag-treat samin nagmamay-ari ng isang island dun) then spend the rest of the days at the hotel, swimming, and everything. LOL. can't wait! :D

another news: nag-start na ko ng OJT here in BPI, EPZA Branch, yesterday, April 22. ok naman ang first day. hindi naman nabigla. ehehe. nag-abot pa kami ng friend ni memel na si Paul. buti na lang mejo may naka-chika aku, tinuro na rin nya sakin yung mga ginagawa nya para pag-alis nya ako na ang papalit. 3days lang kasi sya naka-duty dun, probi pa lang :) Paul left at 2pm, so ako na nagpatuloy kung ano man ginagawa nya.

first day:

  • responsible para sa mga nagbabayad ng SSS

  • sumasagot ng fone.. "BPI Cavite Epza Branch, how may I help you?".. amp!

  • assisstant sa mga nag-oopen ng new accounts

  • nagmonitor ng error sa nineteen kopong-kopong na pc :D


yung pagmomonitor ng error yung ginagawa ni Paul, so ako nagpatuloy. iniwan nya yun ng nasa page71. sa isang page, may 4 na screen (kasi parang malaking papel yun, hindi kasya lahat sa monitor. hehe). natapos ako ng nasa page170+. kaya pala, sabi nya parang hindi na raw matatapos yun. lahat na yata ng klase ng upo nagawa ko na. pati pag-iinat. lesson: nakakapagod pala maupo at titigan ang monitor ng isang oras ng yun at yun din ang nakikita mo. amp. sobrang batong-bato na ko kahapon. buti natapos ako after 1hr. feeling ko naka 3hrs na ko dun. haha.

nalimutan ko na yung iba, kaya dito na tayo sa second day:

  • as usual, nag-assist sa mga nag-oopen ng accounts na taga ASTEC -- sobra dami talaga nila! nagdadagsaan dun sa bangko. at isa-isa ko pa sila inexplainan kung anong gagawin sa pag fill-up ng form, mga hindi nakikinig sa unang explanation eh. pagkatapos ko mga mag-explain sa limang tao, sabi ko na sa mga susunod.. "alam mo na ba gagawin?".. hehe. pero wala din. hindi rin nya alam gagawin. nadagdagan pa yung sinabi ko. pag nag-eexplain ako may nakikinig na sa tabi eh, tapos eexplainan ko pa ulit. amp!

  • nag-encode ng mga nag-open ng new accounts -- grabe, Lotus123 pa gamit nila. hehehe! sabi nga nung mga employee dun eh hindi ko na daw naabutan yun, which is tru. hehe. kaya pala nung una hindi ako pinapahawak. pero kanina, tinuruan ako. ok lang naman. pati pag-print dun. mejo magulo pero ok lang. di pa kc ako talaga nakakahawak ng Lotus123 eh. hekhek.

  • nag-encode ulit, pero sa Excel na. eehehehe. -- from Year2000 to Year2003, kasama ang GL less ang sum ng amounts from the month of January to February. cge, wag mo na lang intindihin. wakeke.

  • as usual ulit, sumagot ng fone -- "BPI Epza Branch, how may I help you?".. (pansin nyo may nabawas? haha.)

  • gumawa ng form na isusubmit para sa mga nag-apply ng credit cards.

  • gumawa ng labels para palitan ang mga passbook na Platinum Savings ng Regular Savings. poor na yta, wala nang passbook for regular savings? hehe. juk lang.

  • nag-gupit ng extra cheke (di na yata ginagamit, or reject, or ewan. binigay lang eh) para gawing scratch. hehehe. sosyal!


tapos nalimutan ko na yung iba. hehe. saka baka tamarin na kayo magbasa (kung binasa nyo man). eto pa pala isang kwento. pinagtutulungan nila ko kanina! waaaaaa. ako na naman nakita nung isang officer dun. waaaaaa. bigla ako tinuro kc naghahanap pala sila muse sa basketball. tapos tinatakot pa ko, wala daw ako grade pag hindi ako nag-muse. kasama daw yun sa OJT. waaaa. ganun ba nila ko ka-gusto? wakekeke! ayoko noh! sa school nga hindi ako nasali, sa sobrang public na environment pa? lols. sinabi pa sa mga kasali sa basketball. ako na daw ang muse. waaaaa. tumawag pa talaga sa mame ko (kasi friend din sila). eh wala naman sila magawa. kahit sabihin nila kay mame, nasakin pa rin ang desisyon. sabi rin pala ni mame sa kanila, bahala sila kung mapapapayag aku. wahahaha.

anyway, hindi ako umoo. ehehehe. ayoko. as in BIG N-O. NO!! hehek.

maiba naman tayo. last week nga ba yun or last last week. nasa SM ako (as usual) with memel, para manuod ng sine. away pa kami kung Paychek or masikip sa Dibdib. gusto ko kasi kay Ruffa Mae, gusto naman nya ng Paychek. panu un? chamba naman, pag-akyat namin sa may sinehan, may maliit na stage dun at nakalagay na dadating si Ruffa Mae at 1pm. eh 12:30 na nun, so ikot muna kami. balik kami ng 1pm at pumwesto sa harap. hehehe. (gusto ko un eh! ganda kasi) dumating ang 1:30, qyuarter to two. biglang pinalitan yung naka-paskil dun. 2pm na daw. huwaaaahh! so hindi na kami umalis sa pwesto namin at baka maagawan pa. lols. and besides, madami na ring taong naghihintay. kaya mega hintay na rin kami. kwentuhan muna, and everything. may nakikita pa nga ako mga schoolmate ko, tago naman ako. hehe. isipin nila die hard fan ako ni Ruffa Mae, lols. dumating ang 2pm.. 2:15.. 2:30.. may nakikita na kong nagkakagulo sa kabilang side. dun pala sya dumaan. buti naman at nandyan na sya, pagkatapos naming tumayo ng isa't kalahating oras, nandyan na rin sya. at halos 15-20mins ko lang syang nasilayan. waaaa. ok lang. nasa harap naman ako at nakamayan ko naman sya..

click for picture

sobrang sexy at sobrang kinis. whew! la ko masabi. hehehe. ganda rin ng lips nya. at makulit talaga sya. lols. anu ba yan.

jaja | Friday, April 23, 2004 |

Tuesday, April 20, 2004

ayan. may pics na ulit. hehehe! nag-freeze na naman ang account ko sa angelfire for the 4th time! waaaa! yoko na dun. amp.

anyway.. after almost 1week, ngayon lang ulit ako nakapag online. bakit? kasi putol ang fone namin. hindi binabayaran ng nanay ko kase mataas ang bill. baket? kasi puro tawag ng tatay ko sa celfone nya. bakit? sakin na lang yun. wakekeke!

im going to PALAWAN this coming May 1st! yihieee! pero ang masaklap jan.. di pa ako nakakapag simula ng OJT. pano na ko> pina-process pa daw ang application ko. yeah right. tagal naman 1week na nakakalipas. badtrip.

kala ko marami akong malalagay dito kasi matagal akong hindi online. wala pala masyado.

yun lang.

jaja | Tuesday, April 20, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.