yay! i finally got the chance to blog. LOL.
plug muna: nice
entry!
spent the weekend at
the farm. oh well..
i feel so damn healthy! wehehehe. tignan nyo yung site. ma-eengganyo kayo pumunta. yeah, maganda yung place. sobrang tahimik. a place for resting. a place for meditation. a place for matronas. LOL.
guess who's there..
click for picture
mag-ootso-otso sana ako habang picture eh. wehehehe. nandun din si stella ruiz. wala lang. laki lang ng pwet nya. haha. sabi ni
barny kailangan daw nya ng liposuction. LOL. hindi naman kasi proportion ang upper sa lower. (mang-okray ba?)
sooo... san na ba tayo? ahh, sa star studded resort. wekwek. nandun na kame sa restaurant, and ordered foods (syempre) yung unang binigay samin, isang meal na. may appetizer, main course, desert, etc. kung ano pa man yung kulang. good for 1person -- Php900. cool, eh? so, dun kame sa ala carte. haha. yung pasta nila, may herbs. may ceasar's salad na may garnish na hindi mo malaman kung anong halaman. may pasta with tomato sauce (na yung tomato eh parang kakakuha lang sa pinagtaniman nya. sobrang asim!). pero may isang pagkain na kilala namin.. SOTANGHON!
barny: hmmm... looks familiar!
haha. kabato. ang banana split.. home made icecream! in fairness, masarap yung strawberry syrup ha.. fresh as in. pagkatapos malungkot sa mga pagkain, punta na kami sa mga kanya-kanyang room. 5 kami magkakasama sa isang room (memel, barny, brother, sis-in-law and me. o dba ang saya!) another room is for my mom, dad and lil sis, one more room for driver and uncle. walang magawa sa room. rest lang kami kasi after that, we'll gonna be walking around the place to get familiar with.... the place?
click for picture
lola, ako ba ito? hehehe. aba, magdala daw ba ng gantsilyo ang sis-in-law. tama ba un. yeah, mag-a-outing sya. haha.
so, naglibot na nga kami. wala lang. sumakit lang naman ang mga muscles namin sa legs dahil ang daanan ay pataas, pababa, pataas, pababa. waaaaaa. pumayat ba aku? hekhek. napuntahan namin ang secret garden (daw) na may man-made waterfalls sa dulo. ok naman. malamig papunta. pero pag naglublob ka na (sa baba, may man-made pool din. dun napunta yung falling water. hekhek) ang init ng tubig! hot spring ba ito?
click for picture
ganda ng falls dba? kinagabihan, nanghiram na lang kami ng scrabble sa front desk para naman maaliw kami ng konti. LOL. at syempre hindi mawawala yung... alam nyo na yun. haha. nde.. nagdala yung sis-in-law ko ng lambanog para naman mejo happy! tutal walang TV sa room. nakakabato! check
this page for some pics.
next day, 12noon ang check out namin.. pero 10am pa lang umalis na kami. haha! di na namin makayanan ang gulayan ever dun. meron kaming nadaanang Max's Restaurant.. kaya go! ayun, nagmuka kaming mga PG (as in Patay Gutom) sa sobrang gutom talaga. nandyan ang 4 hototay soup, 2 crispy pata, 3 fried chicken, 3 pancit canton, at 2 asparagus chuchu na walang pumansin. gulay ba naman dba?
pagkauwi.. wala lang.
ako si ada.. isang bakla. yun lang. (haha. plug lang.. basahin nyo yung
zsazsa zaturnnah na comic book. sobrang kulit!)
anyway.. na-violate na naman ang account ko sa angelfire. after 3 accounts, nakikishare na lang ako ngayon sa account ni
memeL. haaaaaaaay.