Saturday, March 20, 2004

bought a shirt yesterday. goin to the grocery later.

nanay: eto ba isusuot mo? kukusutin ko
me: matutuyo ba yan ngayon? kung hindi bukas na lang
nanay: ehhh.. kukusutin ko. pero isusuot mo?
me: kung matutuyo ngayon. matututyo ba ngayon pag kinusot na?
nanay: ayy.. baka hindi.
me: eh di bukas ko na nga gagamitin.
nanay: kukusutin ko ngayon?
me: oo. kc gagamitin ko sya bukas.
nanay: ano, paplantsahin ko na ba?
me: eh dko naman gagamitin ngayon eh
nanay: pero susuotin mo ngayon?
me: ANO BA?! di ko nga masusuot ngayon dahil di pa nalalaban. kung ngayon lalabhan, bukas ko na susuotin pagpasok! *usok ilong*
nanay: uhh... (biglang alis)

grrr.. ang kulit! malumanay pa naman ang pagkakasabi ko, pero nung huli di ko na napigilan. hay.

samantalang alam naman nyang pupunta ko sa grocery ngayon. kanina pa sya bilin ng bilin ng bibilin ko. "sabon no tatin un dove white o kaya pink", "yun milo ni tatin kc wala na syang inumin sa umaga", "yung ajax na cleanser para sa cr", "un comfort un malaki ha!" (pero downy nakalagay sa sulat ni mame. kaya downy na bibilin ko. char.) andami pang nadagdag sa bilin ni mame. papagamit sakin yung ATM nya, sana umabot sa sinabi saking amount. pano ko kaya pagkakasyahin yun? eh andami neto! amp. bahala na mamaya. kung sobra, wala kong magagawa. kung kulang yung pinamili ko, wala na din akong magagawa. bahala na sila. hekhek.

jaja | Saturday, March 20, 2004 |

shet. kinikilig ako!

putang ina. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. lols. parang there are butterflies on my stomach. hekhek. amp! waaaaaaaa! taena. di ko ma-explain ah. hay.

kanina. final online exam namin cisco networking. passing grade is 80%, and i only got 66%. pakingshet! sa take 2, kailangan maka 85% kami.

40% ang kukunin sa final online, at 60% sa practical. eh 28/60 lang ako sa practical, so parang 28% lang din ako.

na-compute ko na average, if ever.

prelim - 80
midterm - 87
finals - 75 (assuming lang. kasi yan ang lowest grade.)

80.67 parin diba? eh 80 ang quota ng Computer Science. so, hindi pa rin ako bagsak? hay.

kanina nanggigigil na naman ako sa prof naming matabang baboy na mongoloid (lols. nadagdagan na! nakuha ko lang yan sa utol kong bata. hehe) parang sigurado na syang babagsak kami. eh siya nga jan di nya alam tinuturo nya eh. leche. nagmamarunong na naman.

8:30 ang exam. 9:15 na sya dumating. binati pa sya ng kaklase ko.

klasmeyt: mam! exam na kami!
baboy: *nakatingin. biglang snob*

abaaaaa... sya pa may ganang mang-irap, eh sya nga tong late! almost 1hr kame naghihintay sa kanya! putangnangsyet. hehe.

exam na. ang leakage, in between my legs (nasa upuan. hekhek) tapos titingin na lang. pero malapit ako sa pintuan. pag may pumasok, kitang-kita ako. tumingin ako sa leakage. biglang pumasok ang baboy. ako? pasimple. kunyari nag-iisip ng malalim. kunyari napatungo na sa sobrang hirap ng exam. pati si lyzette kinabahan, kasi nakatingin sya sa monitor ko. haha. ang masaklap pa jan, halos kalahati wala sa leakage. taenang seus yun, sabi nya nandun lahat ng question sa final online. pero wala. wala. WALAAAA!! *sapok sarili* im on deep shit. lols.

i got 66%. zet got 75%. niqua got 64% (yata) analyn got 71%. di ko na maalala yung iba. pero wala halos naka 80% samin. so kailangan ng take two. dapat kanina rin ang take two, aba bigla nagtxt ang baboy. sa monday na lang daw. maya, baka tawagan ko sya, so i can take my chapter quiz on chapter 12-13. dagdag grade din yun. di pa kc nya pinapakuha sakin. pray for me guys.

may thesis na ko next school year. may automata. may artificial intelligence. may taxation. may foreign language. YESSS!! sana matupad na ang wish ko.. papayat na ko! haha. amp.

jaja | Saturday, March 20, 2004 |

Wednesday, March 17, 2004

at sino naman kaya nagbura ng codes ko sa layout?! grrrr.... (tapos ako pala noh.) di nyo tuloy nabasa un blog ko kahapon. so ngayon nyo na lang basahin. ehehehe. masaya!

as what i have said, i went to the spa kanina. at.. waaaahhh! ang sarap! lols. inaabangan yata ako ng nagmamasahe sakin dun eh.

fame: antagal mo yata bago nakabalik dito?
me: onga eh.. finals kasi. mejo busy.

hehe. inaabangan ang pagmamasahe ko sa kanya.. o ang tip na binibigay? lols.

2 exam ko kanina. sociology and discrete mathematical structures. yung sa discrete.. uhmm... nalito ako sa last question. buti na lang, to the rescue ang prend ko:

Four students guessed a teacher's age to be 27, 31, 36 and 39. One was one year off, another 9 years away, another was wrong by 6 years, and the fourth was off by 3 years. How old was the teacher? Solve using any logic operations/solutions. (5 points)

lols. may points pa talaga. nalito talaga ko jan. pero nakuha ko naman un answer. kayo? hulaan nyo ngaaaa! :D

jaja | Wednesday, March 17, 2004 |

Tuesday, March 16, 2004

putang ina. (nei, ako ba to? lols) namomroblema ako. natulog ako ng 3pm ngayon. paggising ko, may txt yung classmate ko.

wiwa: ja,kttxt lng skn nung kakila2 ko d0n s shangrila,di n daw pumyag ung mnger ng mga ba2eng ojt's,la2ke nlng daw ang pede.pti nga yta kmi di n pede.. pcensya n ha,ngay0n lng kc skn cnbi.

ang sama tuloy ng gising ko.

nawala ang pagkakataong makapagtrabaho sa isang class na hotel. baka sa PLDT na lang ako mag-ojt. dun, may kakilala si mame. lols.

sobrang badtrip nga naman oh. kanina sa cisco networking namen, we're supposed to be having our practical exam, configuration of routers. pagpasok na pagpasok ng prof..

prof: ok, online exam tayo ngayon
me: ma'am, kala ko ba practical exam ngayon?
prof: ah gusto nyo practical exam na? cge madali naman ako kausap eh

so, nanguna na ko kc gusto ko na matapos ang kahirapang ito. may diagram. nakakabit na ang mga kable, pero kailangang i-check baka may maling nakakabit. nung una, mali ang paglagay ko ng mga ip address. mali ang lagay ng ip ad sa serial1, serial0, at ethernet0. pero napagtanto ko, parang kalokohan na ginagawa ko, so i decided to start all over again ("sings: and now im starting all over agaiinnn.. its not the easiest thing to do...") inulit ko lahat lahat ng nilagyan ko ng ip ad. that time, nagbakasakali ako na tama na ang ginagawa ko. pag check ko...

ethernet0 is down, line protocol is down

at sa apat na units, 1 pa lang ang natatawiran ko. i tried to ping the 3 other units, pero 0 percent. waaaaa! babagsak ako! kaya i asked this fucking teacher what's wrong. ayaw nya ko sagutin. then she checked.

prof: baligtad un ip ad mo. mali yung ip ad sa e0
me: mam, hindi po yan e0, comment po yang nakikita nyo
prof: eh nasan yung e0?
me: teka (hanap) ah eto yata (nakaturo sa monitor)
prof: aba ewan ko sayo! ikaw gumawa nyan eh!
me: eh mam mali nga yung tinitignan nyo eh
prof: nsan ba talaga yung ginawa mong commands?!
me: nandito nga po yta sa baba. iba yang tinitignan nyo eh!
prof: eh mali nga tong ginawa mo eh!

*sulat ng mga ip ad na dapat ilagay dun*

me: tama naman pala mga nilagay ko eh. di naman mali
prof: baligtad nga tong nilagay mo
me: yang nakasulat sa inyo, yan ang nilagay ko!

alam nyo, pinipilit talaga nyang mali ang ginawa ko. feeling terror kc yun eh. feeling magaling. feeling matalino (di naman nagtuturo) feeling maganda (parang alambre naman ang buhok) feeling sexy (parang balyena naman) hay. ikaw na maging salaginto! (kasi yung isang blouse nya kulay salaginto) asar talaga.

sa sobrang badtrip ko kanina, nasakit na panga ko. naiiyak na pala ako sa galit. nakita ako ng isang klasmeyt ko..

klasmeyt: badtrip na to oh.. itawa mo na lang yan!

dko na nakayanan, lumabas ako para mag-cr. pagpasok ko sa cubicle, unti-unting lumuha ang mga mata ko. lumuha lang naman, hindi tumulo. lols! inalis ko lang ang sakit sa panga ko. sa sobrang galit ko pakiramdam ko gusto ko na syang patalsikin sa baste. kasi yung mga tulad nyang prof dapat sa mga freshmen lang at sophomore nagtuturo. hindi na dapat sa mga higher year. walang natututo eh.

naaalala ko pa naging prof ko sya sa logic circuits. nag-aadvance study na ako dun kasi mejo nahihirapan ako sa kanya magturo. hindi ko maintindihan. nagpapaturo ako kay memel. tinuturo na sakin ni memel yung mga sunod na topic at syempre un present na topic. pagdating sa skul, syempre alam ko na yung tinuturo nya. nakakasagot na ko. pwera na lang sa isang pagkakataon... nagsosolve sya. mali ang solution. ako pa nagtuturo. sabay sabi nya "ay, oo nga no." HAY!

ewan ko ba. ayoko talaga sa kanya simula pa. akala ko dati, terro sya. natatakot pa naman ako sa kanya. di nagtagal, ako pa nagtuturo. sya rin ang panel ng mag-defense kami sa baby thesis namin. ako lang din ang kaaway nya. aba, at madalas pala kami mag-away nun! ewan ko na. parang nakikita ko na ang skul days ko next year kung sya ang panel sa thesis. tiyak na hahanap at hahanap sya ng lusot para ibaba ako/kami.

mahaba na pala blog ko. sa sobrang inis, dko na namalayan. lols. mga kamalasan pala ngayon noh? di bale, im sure i'll get a nice body massage tomorrow. SPAAAA!!! HERE I COMEEEE :D

teka, nag-email pala yung isang klasmeyt ko sakin. yung pic namin sa cel nya. anlaki ng muka ko. haha. in fairness, rosy cheeks ito!

jaja | Tuesday, March 16, 2004 |

Monday, March 15, 2004

been to glorietta yesterday, and had my watch! di sya ganun kakyut jan, pero sa personal kyut sya talaga! haha. personal amp!

at namulubi pa ang nanay ko sakin kahapon. we went to this lingerie botique (Suonos un i think. kung saan ako nakakita ng Php14,000 na bra lang, as in BRA LANG) at nakakita ako ng isang pair. ambait pala ng mga nagtitinda dun. very accomodating. chika pa nila mame ko, at buhat-buhat pa ang malaking plastik na dala ko na naglalaman ng 1500pcs ng jigsaw puzzle habang natingin ako ng pair of underwear. talagang tiniis nyang bitbitin yun kahit mabigat. so ang lola nyo naman mega sukat! (ng bra lang ha) kasya naman. gandang-ganda ako sa color. at paglabas ko, tinanong na ni mame ang price. at... dyaraaaan! Php7thou+. napasigaw ako...

me: seven thousand..?!!

keeeiiii... may 30% discount. so 5thou+ na lang. nakikita ko ang bahid ng lungkot sa muka ng nanay ko. hekhek. wala ng magawa. nagsukat na eh! sige na ngaaaaaaaa!! paglabas namin..

mame: HINDI KA NA MAKAKAULLEEEETTT!!!

haha. amp! balak ko pa naman isunod yung pabango ko. paubos na eh.

sale pala sa glorietta kahapon. buti na lang nakaabot kami, kasi nakasama sa sale yung relo ko. kaso, 10% lang yata. pumunta kami sa sari-sari store. nakakita ako ng sapatos na kasya sakin, at sale din! abaaa... nakakuha na naman ako ng idea! habang sinusukat...

me: mameeeee... kyut ba? bagay ba sakin?
mame: oo maganda.. gusto mo? sige bilin na natin!

kaninang umaga, pinagmamalaki ng nanay ko na buong puso daw nyang binayaran yung sapatos na Php300. pero sa lingerie, don't ask. LOL.

jaja | Monday, March 15, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.