Saturday, March 06, 2004
di na ko magpopost muna ng pic. sakin naman nagha-hang eh. hekhek.
this morning, galing kami sa Pilapil-Gonzales, Sta. Cruz, Cavite City (parang alam nyo dba) to conduct a survey regarding population. dapat kasi dun sa area na malapit sa dagat. sobrang exciting talaga. andaming experience na nakakatawa, nakaka-inis, at nakakatakot. nandun yung tutulay ka sa kawayan lang, kakausapin mo yung mga masusungit na tao, papaligiran ka ng maraming bata, lelecturan ka ng bading na napapanot na at magmamayabang sya sayo, tatanungin ka kung may bayad ba yung survey, at tatawanan ka lang. nakaka-aliw noh?
may isa akong na-interview...
me: uhmm.. excuse me po.. interview lang po para sa project sa skul tga baste po kame
mama: cge lang.. english ah (laughs)
me: (laughs) nde po, tagalog naman po eh, ilan po kayo sa pamilya?
mama: uh.. three! (sabay tawa malakas)
me: (nakikitawa rin kunyari) ilan po ang lalaki sa pamilya?
mama: uh.. two! (tawa ulit malakas)
nakakairita..... tapos dami ko na rin natanong.. and the last question:
me: pasensya na po dito sa tanong, pero.. nagamit po ba kayo ng family planning method?
mama: (naghuhurumentado) FAMILY PLANNING METHOD?! eh halos ako na nga ang umiinom ng pampalaglag! (sabay tawa ng malakas na malakas)
me: (natawa ng sobra.)
o dbuh? sobrang tawanan na ito! buti mejo may sense naman ang pag-uusap namin. nasasagot naman nya ng maayos pagkatapos ng kanyang... joke? lols.
sobrang init ng araw. nakakairita na dun. buti hindi nagkulay brown yung buhok ko. parang badjao. hehe.
pagkatapos namin gumawa ng analysis, dumeretso ako ng office ni mame. wala lang kc akong gagawin dito sa bahay eh. so, niyaya ko sya sa parlor. heheheh. pero dami pa nya nigagawa, kaya hintay din ako. habang hintay, nitawagan ko si
sassa, at kami ay nagchikahan ng halos isang oras. naka landline ako, naka cellphone sya. sobrang na-miss yata namin ang isa't-isa, walang tigil mga kwento! hehehe. dko na rin kc sya nakakachat eh. anyway.. elo besplen! amishu! hehehe.
tapos, eh di nagpunta na kami sa parlor ni mame ko. nagpa hair spa kami. aba, at maganda pala sa buhok yun! pwera na lang sa pesteng bakla na nagsunog ng anit ko! taena nyaaaaaaa! pramis. amp. ganito nangyari:
may kakilala kami sa parlor na yun, si ado, kaya dun na kami lagi nagpapaayos. pero kanina, sabay kami ni mame, kaya mejo kailangan ng katulong. habang basa yung buhok ko, pina-blow dry ni ado dun sa pesteng bakla muna, para pag blower ni ado, hindi na ganun masyado kabasa. habang tinutuyo nya ng blower yung buhok ko, bina-brush nya ng kamay nya yung buhok ko. pag may buhol, pinipilit nyang ituloy pa rin ang pag takbo ng kanyang mga daliri (run the fingers. lols) pinipilit nya kaya masakit. pinipilit ko ang sakit. gamit nya ang blower, pinapatuyo nya ang buhok ko. nakabuklat ang buhok ko (exposing the anit) bugla tinutok yung blower sa anit! syeeet! umusok ang anit ko! ngayon lang ako nakakita ng ganun. at sa sobrang gulat, napaiwas yung ulo ko, napakagat sa labi, maluha-luha ang mata. sabang tingin sa bakla.
"ayy.. soriii.." pinigil ko pa rin ang sakit, pero hindi na talaga kaya. tinext ko si mame, patigilin na tong nagboblower sakin dahil masakit. nasusunog na yata ang anit ko! aba, ang nanay ko natawa pa! pero sinabi nya kay ado.. kaya pinuntahan nila ko. pag-alis ng bakla at paglapit ni ado sakin, bigla na ko ngumawa. waaaa! hindi ko na talaga makayanan! taenang bakla un! tanggalin na sa trabaho.. waaaaaaa! nagkakagulo si ado at ang nanay ko sa ulo ko kc tinitignan nila, aba at namumula ang anit ko! waaaaa! habang naiyak ako, nakikita ko sa salamin yung pesteng bakla na nakatingin samin. sigurado alam nya kung bakit nila pinagkakaguluhan ang ulo ko. habang nagsusumbong ako, ang iyak ko naman! talagang hikbi, yung hindi makahinga. sobra talaga un.
nakita ko na lang, umalis ang peste sa kinauupuan nya. biglang nawala. nung pauwi na kami, hinahanap sya ni ado. aba, sabi ng kasamahan nakauwi na daw! taena tumakas.
sa lunes, yari sya kay ado.
pagdating sa kotse, ngumawa na naman ako. pagdating sa bahay, ngumawa na naman ako. naaalala ko kasi, masakit talaga sa anit! taena. hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. amp. sakit na ng mata ko.
jaja
| Saturday, March 06, 2004 |
Friday, March 05, 2004
hindi ko na ipo-post yung ibang pics namen sa
EK, kasi nagrereklamo si
nei at naghahang daw ang explorer nya. so, para sayo nei, itaas mo! haha.
kaninang umaga, natatakot na ko sa nararamdaman ko. kasi nag iinarte na naman ako. lols. naramdaman nyo na ba yung tipong parang walang pumapansin sa inyo? tipong feeling nyo OP ka na sa group? waaaaaa. nakakatakot. baka patay na ko. hehe. kc lam nyo yun? talagang ang sama ng loob ko kanina.
flashbackkkk...
kasi kahapon, ganun din ang feeling ko. hindi ako pinapansin. sila lang nag-uusap-usap. naiiwan ako sa ere. mukha akong tanga. sila nagtatawanan, ako hindi kasama. pagdating sa assembly class namin, walang nagsasalita. nakakapanibago. maski ako napanis laway ko eh. lols. kaya hindi ako nagsasalita,
sa totoo lang, naiinis ako! bakit ganun, hindi naman ako ganun sa kanila. pag nakaramdam ako ng kakaiba, ako pa yung kumakausap sa kanila, kung galit ba sila or what. kung badtrip o ano. parang ako pa ang kumakausap sa kanila para lang maayos. tapos gaganunin nila ko?
en medias res...
hehe. natatawa ko sa flashback at en medias res. anyway.. kaninang umaga nakaramdam na naman ako ng kakaiba. nsa Public Speaking class ako, dumating yung isang friend ko, kinausap ko. may kakaiba sa kanya. actually ganun ako ka-sensitive. ewan ko ba. sana hindi ako ganito. hindi na ko nakatiis. nagmiscol ako kay mame para tawagan ako. ako pa ang pinagalitan. magkaron naman daw ako ng pride. magtira naman daw ako para sa sarili ko. hindi yung puro sila lang iniintindi ko. ewan ko ba kung nauuto na ko.
walang pagmamayabang.. pero ganun ba ko kabait? (natawa ko ah. hehe) nde.. i mean, wala lang. feeling ko minsan, nate-take for granted na ko. wala lang. mahirap pala ang sobrang sensitive. tapos pagkaraan ng ilang oras, ok naman na. tapos ok na ko sa kanila. tapos pag lipas na sa kanila, lipas na rin sa kin. haaaay. nga naman. iba na ang nauuto. san ka pa?!
eh di syempre ok na kame.. nung vacant kumain kami dun kila aling bhey, yung carinderia na kinakainan namin. talap dun eh. sa kubo kami nakain. habang kumakain hanggang pagkatapos kumain, nabuo ang mga interlocking stories namin. pwede na yata kami gumawa ng kagaya ng Decameron. lols.
lori: jaja, lam mo ba niyayaya ako ni gary manuod ng milan?
me: ow talaga? ah sa date nyo nga pala noh.
lori: maganda daw yun eh
me: onga sabi maganda daw yun. sabi rin daw ng tropa ni memel
lori: so, niyaya ka rin nya manuod ng milan?
me: ganun na nga. eh ayoko nga.
niqua: bakit naman? ganda nga daw yun eh
me: ayoko. naiirita ako sa bangs ni claudine (tawanan) dba nagpadagdag ng boobs un si claudine?
analyn: oo. pati pwet yata
lori: sa tingin nyo ba nagjugjug na sila ni rico yan?
niqua: oo naman! live in na sila eh. pati si reymart syempre
analyn: lalo na si mark anthony. dba may tatoo pa sila. 14yrs old pa lang yata sila nung nagpatatoo
neschel: napanood mo bachelorette? ikakasal na si trista
me: ahh oo. yung natalo dati sa bachelor, tapos sya ngayon un sa bachelorette. di naman sya desperado? ang ganda nun ni trista. tangkad ng mapapangasawa nya
lori: oi jaja narinig mo na yung kasal sa ilalim ng dagat?
me: oo noh. meron pa nga sa ere eh, meron pa mga nakahubad
zet: oo. meron pa nga skydiving eh.
me: basta ako gusto ko garden wedding!
zet: meron na kaya sa outer space?
me: ay, type!
syempre nagsimula sa milan, napunta sa kasalan sa outer space! leche. at haller?! puro chismis. haha. dati nga sa usapan nila memel, basketball napunta sa dinosaurs. mas malayo yun.
*kzzzt*
bukas pupunta kami sa isang lugar na malapit sa dagat. kukuha kami ng survey from 50 families. 6members each group. syet mukhang exciting! lols. bwiset naman kasi yang sociology na yan. bakit ba meron pa neto. eh pano kung hindi makipag-cooperate yung iinterviewhin namin? bagsak na kami? pano kung iilan lang families dun? at pano kung pagsarhan kami ng pinto? waaaaaa.
*tgshk*
jaja
| Friday, March 05, 2004 |
Monday, March 01, 2004
jaja
| Monday, March 01, 2004 |