Thursday, February 26, 2004

na-badtrip yung prof namin kanina sa retorika. ikaw ba naman ang prof, magkaron ka ng mga estudyanteng 30mins and 1hr late para sa 1 1/2 hour class. sinong hindi magagalit?

nagising ako kanina ng 6:30, na ang gising ko supposed to be ay 5:30. san ka pa?! 7:00 ang class ko. nakaratinng ako kanina ng 7:35 (yata) at nagsusulat sila ng lecture. tahimik sa room namin na hindi karaniwang nangyayari. kasi masayahin ang prof namin dun. kahit 1hr late ka, tawa pa rin sya. malay ba naming magagalit sya ngayon. siguro najurutan ng ibang prof.

pagdating ko, sinabihan na ko ng katabi ko na badtrip si mam, so kumopya na lang ako ng lecture at nakiisa sa katahimikan. unti-unti kaming dumadami. 8:00 na dumating ang pinaka huli. kaya pala sya nabadtrip, feeling nya tine-take for granted na sya. mabait nga sya samin, pero naaabuso naman daw sya. porket hindi daw sya nagagalit, ganun na kame pumasok.

nagdrama pa ang lola nyo. hindi na daw nya naaasikaso ang anak nya para samin. pumapasok daw sya ng maaga para pasukan ang klase namin. tapos yun pa daw ang igaganti namin?

uhmm.. ngayon ko lang nakitang galit si mam. hindi kasi bagay sa kanya. kasi lagi syang nakatawa samin. tapos lagi pa nya kami binibiro. nagkaron tuloy kami ng talumpati kaagad. half of our final grade will depend on that fucking talumpati. hay. yung dapat na magrereport kanina, hindi pa nakapag report. yung present kanina, absent last meeting, pano nya malalaman kung anong irereport? tsk. kamalasan nga naman. buti na lang pala pumasok pa ko. hindi ko na balak pumasok sa sobrang kaantukan ko eh. puyat kc lagi. *zzzz...*

kanina pala 7:25 dumating ang pinaka una nyang estudyante.

nasa auditorium kami kanina para panoorin ang pag award sa mga deans lister. tsk. dapat kasali ako dun. kung pinag butihan ko lang. haaaayyyy. anyway.. kailangan ng audience dun at checked ang attendance namin sa subject na dapat ay pinapasukan namin nung oras na yun. kaya no choice.

nag improve ang mga estudyante ngayon dun. dati, wala pa yata sa 40 ang dean's lister (computer science department lang ha). pero ngayon, 59 students ang dean's lister. tsk. at isa dun ang kras ko. yihaaaa!

pinakita din yung speech choir (dahil panalo nga ang dept namin. as in champion ha) pati yung mga sumayaw ng singkil (syempre 2nd placer eh).

una sa speech choir.. maganda naman. kinikilabutan ako sa kanila. ang galing. as in deserving nila mag-champion. kung kilala mo nga lang yung nagpeperform, matatawa ka talaga. sakit nga ng tyan ko kanina. buti hindi ako napa utot. aircon pa naman.

un sa singkil naman.. wala kang ibang maririnig sa mga audience kundi.. "fiona! konting dilat naman jan!".. "si mam naghuhurumentado ang bangs!".. "aaayyyyy maiipit yung paa!".. "natatakot ako syeeett!"..

actually, lahat ng yan ako ang sumigaw. kaya kabisado ko pa.

si fiona, isa sa mga dancer, at naging classmate ko nung 1styr. matalino yan. at officer ng dept namin. kaso kanina nung nasayaw, nakapikit sya. hindi ko nga alam kung bakit eh. siguro para maiwasan tumingin sa mga namimintas na audience at maiwasan ngumiti. kasi diba serious dapat ang mukha dun sa singkil. kaso hindi nya nagawang magseryoso. nakangiti sya habang nakapikit. o dba ang sagwa? parang natutulog lang.

hindi ko pa nakukuha yung id ko. kasi, FYI, gumaya ang school namin sa mapua at iba pang school. abaaa, at nag swipe na rin ng id! at in and out ito! kaso, hanggang ngayon wala pa rin ang id ko. yung barkada ko naghuhurumentado na.

niqua: bat wala pa rin yang id nyo?! bat yung mga yaya (student assistants) kumpleto na sila lahat may id eh hindi naman sila nagbabayad ng tuition?! leche talaga yang mga yan!

kulang na lang sabuyan ko ng kumukulong tubig eh. lols.

nagpa-cleaning kame ng ngipin kanina. syempre libre sa skul eh. kailangan sulitin mo na yung tuition mo. this is my second time there in baste. pero parang ayoko na bumalik. waaaa! ang bigat ng kamay ng dentist. hayup na yun. hindi pa nililinis yung buong ngipin. yung gilid lang. at hindi lasang mint. lasang ewan. at nagdugo ang gums koooohhh!! paksyet.

bakit sa dentist ko, hindi nagdudugo. at fresh breath pa ko pagkatapos. at hindi lang tubig ang pang mumog, syempre may kasamang bactidol. hehehe. tapos jan sa skul, bat ganun. tubig lang. sobrang baba pa un upuan, as in nakahiga. inaantok na nga ko kanina eh. napuputol lang kc binabarena yung ipin ko. kung pwede lang sya na lang linisan ko eh. dentist ba talaga un? grrr...

at ngayon, im feel very tired. wanna know why? ka-chat ko si memel kanina. pinapa-email sakin yung file na naka save dito sa pc ko, kailangan daw nya at ipiprint pa daw. bigla sinabi, ayaw magbukas ng disket nya. may isa pa syang file na kailangan iprint, na ginawa nya kagabi. pero ayaw magbukas ng disket nya. hindi naman naka write-protect. so ako naman ngayon, takbo sa bahay nila. save ng file na ginawa kagabi. balik dito sa bahay. get online. chat din sa kanya. then email. ok na.

kung di ko lang sya lab. amp!

tapos aawayin ako noh. waaaaaaa! magbibigti na lang ako.

jaja | Thursday, February 26, 2004 |

Tuesday, February 24, 2004

yeheeey! eto na may matino na kong entry. lols.

it's my mom's 44th birthday last friday, February 20, 2004. (Happy Birthday mom!) and so we decided to celebrate it on a saturday because of her work. we ate dinner at Furusato, a Japanese Restaurant along Roxas Blvd. grabe yung kain ko. parang bibitayin kinabukasan. im with my mom ofcourse, my dad, my sister justine, and brother bryan. barny followed right after we finished our food. bwahahahahaha! kumain si barny ng pinapanood namin. nahiya tuloy sya ng konti.

we headed to the Hobbit House in malate. ngayon lang ako nakarating dun. and for your info, sobrang tagal na nung bar na un. hindi pa ako pinapanganak buhay na sya. madalas daw dun mom and dad ko nung mag bf/gf pa lang sila. lols.

anyway.. pagdating namin dun, nag-inarte naman sis ko. kc pati yung nag aasikaso sa parking eh mga unano din. ang kukyut nga tignan eh. ayoko nga lang sila tabihan, nagmumuka akong dambuhala. pinagbuksan kame ng pinto ng kotse. and my sister was like "eeehhhh.. atteeeeee.... aaaahhhhh!!!" HALLER??! sumigaw ba? kahiya tuloy. natakot kase. lols. ngayon lang yata nakakita ng unano yung utol kong yun. (sabagay 7yrs old pa lang sya this coming feb 28. acceptable kc bata pa. hekhek. just imagine a 19 year-old girl like me making sigaw to that unano. hahahaha. syet.)

we went inside. at ang barny biglang lumapit sakin at biglang bulong na rin..

barny: psst.. si Mylene Dizon andyan..
me: asan?!
barny: ayun ohh.. sa katabing table natin..

tapos nakita ko na sya. kaya dun talaga ako umupo sa tabi nya. mwahahaha! so, ang nangyari.. nandun sya sa likod ko. lols. she's with someone, na hindi ko na problema kung sino sya.

ang sabi ng mom ko, dati daw folk songs ang kinakanta dun sa hobbit house. kaya expected ko baka hindi ako mag-enjoy. nagplano na ako na pagmasdan na lang ang mga unano maglakad. nakakatuwa eh :) hihi. pero.. pagdating namin dun.. aba may banda! at rock ito!

I.. CAN'T.. GET.. NO.... SA..TIS..FAC..TION..

yeah boy! *head bang* ayus ah. nag-enjoy ang nanay at sis ko.

nag-uusap kame ni barny through my cellphone. sulat kame sa write messages then pabasa.. then bura.. sulat ulit then pabasa.. ganun lang..

me: tignan mo yung pwet nung vocalist. ang laki *roar!*
barny: tinitignan mo rin pala! :D
me: oo naman! hapit nga sa pwet eh
barny: hahaha. oo nga. *roar! kinagat ako roar!*
me: haha. tignan mo nga sa harap kung may nahapit din!
barny: haha.
me: *roar! kinain ako roar! roar!*

bwahahahaha! mga muka kameng tanga. eh talaga naman ang laki ng pwet nung vocalist eh.

at syempre, hindi mawawala ang inumin. nagmaganda si barny.. ininom nya tequila sunrise. ako.. ang all-time-favorite. at syempre mahal na mahal ko tong inumin na to kasi dahil dito.. na-ospital ako! *drumbeat* LONG ISLAND ICED TEA! *clap*clap*

mejo nawiwiwi na ang lola nyo.. aba ibigay ba saken ng tatay ko yung beer nya tapos ang lamig pa dabuh. nagpasama ako kay barny mag cr. sa labas ng cr, dun kame nagkwentuhan. wala kasing privacy sa table namen eh. lols! pano ba naman, nabitin ako masyado sa blog nya. kaya pinakwento na kagad!

went home at 11:30pm. grrrr... sobrang aga. isama ba ang sis ko. nag hurumentado na yan dun.

*kzzzt*

our department won almost all the competitions held last February 18-20. 2nd runner up Ms. Foundation, 2nd place on cultural night (sinayaw nila ang sosyal na sayaw na singkil. hanep plantsadong plantsado mga buhok ah! ang taray!), 1st place talent expo (singing competition), 1st place speech choir, and.. chenes. di ko na alam yung iba. lols.

wala nga pala akong time gumawa ng entry this past few days kasi... sikret :)

kanina sa cisco class namin, pinapagbasa kami ng lecture. pero anong ginawa namin? nag netmeeting lang kami. para bang hindi naguusap-usap. para bang tig-iisa kame ng bansa. yun bang sobrang layo namin sa isa't-isa. pero ang totoo, magkakatabi lang kami. nakakatamad kasi magbasa ng magbasa. at sa chat na yun, lumabas ang mga "dark secrets" namin. bwahahaha.

dun lumabas na marami rin palang nagkaka-crush sa crush ko (hehe). dun din lumabas na may pagkabastos din pala yung ibang kaklase ko na hindi mo akalaing ganun. tipong akala mo conservative pero aggressive. dun din lumabas ang mga kapintasan sa prof namin. at iba pang kababuyan at kabastusan. wala namang ibang kasamang lalaki sa conference. may magsabi ba ng "show me your flesh" dun eh di nag-init yung lalake.

uhmm.. that's all for now. next blog ulit. lols.

jaja | Tuesday, February 24, 2004 |

Monday, February 23, 2004

The Things You Do Before You Die...




i'll post another entry tomorrow.

jaja | Monday, February 23, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.