Friday, February 06, 2004

and yes.... NA-INTERVIEW DIN!!!! bwahahahaha! as i enter the room, parang nagkkwentuhan pa ang panel..

me: good afternoon ma'am, sir..
panel: (wala silang kibo. parang walang bumati sa kanila)
panel1: please describe urself
me: im patient and hardworking..
panel2: ur 21.. (just assuming on my resume), do u have a boyfriend?
me: yes ma'am
panel2: what if we hire you and place you to other branch, will your boyfriend approve?
me: it depends on the place, ma'am..
panel3: how do you see yourself 5 years from now?
me: i see myself having a stable job because of my skills.. *isip kung tama ba? amp*

basta madame pa tanong. grrrr. sobrang tipid ko sumagot.. syempre playing safe. bwehehehe. maya magsalita ako ng magsalita, mali-mali pala sinasabi ko. mental blak pa ko. waaaah! hay.

nde nga pala kame nakapag picture kanina, mga kabado kc, post ko sana dito eh. eto na lang..



oha! anlaki ng muka ko.

niqua: anlapad mo ja..
me: (nanliit parang buni.)

badtip eh. lols. kaya ako naman.. "oo nga, anlapad ko dito.." hwehwehwe!

jaja | Friday, February 06, 2004 |

Tuesday, February 03, 2004

im so damn tired!!!! siyeeeett. ay.. ayon kay bob ong, dapat daw "syet" ang dapat na pronunciation jan, hindi "siyet". dapat may buhay.. "shit!".. dapat bigyang dinig.. "shit!".. dapat bigyang diin.. "shit!"... hehehehe. tama na :p

speaking of bob ong.. got another book..



yipieeeee!! *claps*claps* (nag-reflect pa ko sa background wehehehe.)

muka na kong bob ong. lols. maganda naman ang pinag bago ko ngayon. libro na ang binibili ko. hindi mga panty.. err.. i mean nde mga kung ano-ano. at hindi ginagastos sa masasamang bisyo. nyahahahaha!

anyway.. sobrang pagod ako ngayon. pinagod ba naman ako ng nanay ko. grrrr.

sinabihan ako ng nanay ko na bumili ng regalo para sa ka-office mate nya. pano ba naman, ikakasal na. sana hindi na lang ngayong panahon ikakasal. sana next time na lang. hehe. so ako naman, after class, dumeretso sa sm para maghanap ng sexy na pwede iregalo. nakahanap na rin ako. pero yun yung binabantayan ko na last year pa sa herbench. black see-through type na spaghetti strap, na may ka-partner na panty (na see-through din. wehehee!) pero its not just plain black, syempre mejo may prints. lols! so, sabi ko sa nanay ko, bibili din ako ng sakin! (o dba terno kame ng bride) sabay sabi ni mame..

mame: cge.. ano?!! pucha ka naman oh!! cge na cge na..!!

kaya ako naman, si bili kahit mejo alam kong sinigawan ako. wahahahaha! (naughty me!) at sabi pa sakin ng nanay ko, idaan ko sa office nila at ngayon daw ang party. at ang adventure ni jajapot ay nagsimula na. sumakay ng bus. nagbyahe ng halos isang oras na tinubuan na ng kabute yung pwet. na-lechon na sa init. inabot ng traffic. naglakad ng malayo. sumakay ng tricycle. grrrr. sakit ng hinliliit ko dun ah. anyway.. pagdating ko sa office, binigay ko na yung gift habang hinahayaan kong mapansin nya ang mamantika kong muka.. pero, wala pa yatang limang minuto...

mame: o halika na..
ako: san?
mame: hahatid na kita.
ako: yoonnn..! makakapahinga na rin. yoko nga mag commute eh..
mame: ano ka? sa gate lang kita ihahatid noh! mag commute ka na pauwi. nsa pagawaan yung kotse natin. kung hihiramin ko kotse dito, anong oras pa ko makakabalik dito? sobrang trafik sa labas..! blah blah blah
ako: eeeeeehhhhh...
mame: lika naaa!
ako: sabi ko nga..

pagod na pagod na ko inubos pa ferrero ko.. waaaaaa! what a cruel world!

eto pang isa.. pagkapasok na pagkapasok ko sa office nila, nasalubong ko si mr. oh, korean boss nila, na production manager yata, kasama si mr. kim, isa pa ring boss nila..

ako: gud afternoon, sir..
mr. oh: oohh chacha!! (sabay hug nya ko ng mahigpit na naisip ko parang manyakan na ito! waaaaah! mame help meee! im being harrassed!) v'been to sku?
ako: yes..
mr. kim: oohh nanette's dota?
mr. oh: yes.. yes...

sabay umalis na ko. punta ko sa table ni mame..

ako: ambaho ni mr. oh. amoy koreano.
mame: (tawa lang ng sobrang lakas. kulang na lang mahulog sa upuan nya.) kaya nga pag nalapit na yan nalayo na kami eh. hehehehe!

waaaaaaaa! bat nga ambabaho ng koreano? siguro dahil sa kinakain nila yun. i've been to korea, at naalala ko pa nung nakasakay kame sa kotse nung boss ni mame dun, puro koreano kasama namin. masuka-suka talaga ako sa amoy. amp.

goodbye cruel world! *tgshk*

jaja | Tuesday, February 03, 2004 |

Monday, February 02, 2004

di ko alam kung san ko sisimulan tong entry ko. kasalukuyang nakakunot ang noo ko ngayon dahil iritang irita na ko. ewan ko ba kung bakit.

ganito kc ang nangyari. (ngayon nga pala ay 2yrs and 3months na kame ni memel. ang saya. i love you. so cheesy. ganyan ka din naman pag inlove ka ah. hmpft.)

case 1: sa pagkakaalam ko binilan ako ni memel ng book, yung hinihiram ko dati kay nei sa pagaari ni bob.



buti na lang binilan nko. kc mukang ano.. sakin na lang yun.

mukang kaya ko ngang basahin ng isang upuan lang eh. actually, lampas kalahati na ko ng book. manipis lang naman un anyway. hehehe. nagmalaki pa eh noh. pero bob ong is a very good writer. nakakatakot nga basahin yung book nya sa public, baka matakot mga tao sakin kasi bigla na lang akong tatawa. kanina hindi ko na alam iniisip sakin ni memel. bigla na lang akong tatawa. syempre nahihiya naman ako ng konti. lolz.

okey balik tayo sa pagka irita ko ngayon. parang nahalata ko kahapon na nabili nya ko. pero kanina sabi nya ngayon pa lang daw nya bibilin. basta nakakainis. pagkita ko nandito nakapatong sa keyboard ng pc ko. o dba gusto nya surprise pa. pero nde ako na-surprise, ang totoo, sumaya ako kc may babasahin na ko ulit. pero nakakairita talaga. labo no?

case 2: gumawa kame ng tacos kanina para sa merienda. actually merienda lang naming dalawa. dahil kame nga ang nag grocery kagabi.. ok ibang kwento na yan. tapos may natirang taco shells, so iniwan muna namin sa kusina tapos nakatakip yung grated cheese, pati yung taco shells din. tapos bigla akong tatanungin ni nanay..

nanay: asan na yung tacos?
ako: nandyan sa kusina ah, iniwan ko. yung nakatakip dyan.
nanay: oo nga. eh shell lang yun..
ako: alam ko. magluto na lang kayo ng giniling. ako pa ba magluluto?..

sorry sa salita ko nanay, pero nairita talaga ko. hay. kc naman.. whattakwestyoonnn?! dba? eh di magluto na lang ng giniling! ako pa ba magluluto para sa kanila para makakain sila ng merienda? haaaaaaaayy.

case 3: (kasalukuyang nabili ako ng fishballs sa labas ng bahay namin..)

justine: (pasigaw) ateeeeeeee!
ako: baket?
justine: halika ditoooooooo!!
ako: baket ba?!!!
justine: bili mo ko pishbol!
ako: lumapit ka dito wag mo ko utusan no!!!

(sabay bulong.. punyeta..)

case 4: eto nangyari pa kagabi after namin mag grocery ni memel. nakauwi kami mga past 9pm na, so konting time na lang para magpaturo sa kanya sa discrete math. kc mahirap na sumakay dito samin pauwi pag sobrang gabi na. mga oras na tinuturuan nya ko, parang napapansin daw ni memel na obvious na si jo (yung insan ng tatay ko na nag-aalaga sa kanya. FYI, dun sya natutulog sa inuupuan namin sa sala.) he mean parang nagpapahalata na -- humihikab sa harap namin, sinasabi kila nanay na matutulog na sya.. etc. basta nagpaparinig sya. kaya nahiya na tong si memel, kaya kahit hindi ko na maintindihan mga sinasabi nya, basta binibilisan nya. gusto na daw nyang umuwi.

hinatid ko na sya sa gate. pagpasok ko sa sala, pansin ko parang nagdadabog pa to si jo. pwede namang hindi magdabog at hindi magparinig diba? ewan ko ba. makitid ba utak ko? o makitid utak ng iba? iritable talaga.

case 5: tinanong ko si nanay kagabi kung may giniling pa dahil balak naming gumawa ng tacos ngayon. sagutin ba ako ng pasigaw, eh alas dose na ng madaling araw yun. kairita talaga.

case 6: birthday ng classmate ko sa sabado. ayaw ako payagan ni memel pumunta. siguro dahil sa inuman yun. iniisip nya siguro baka manyakan yun. or nakakahiya dahil yung iba kong klasmeyt, kung uminom parang wala ng bukas. yung iba naman, nakaka 2-3 shot pa lang ng beer, nagwawala na. siguro nga may point sya.

sa akin naman, hindi naman ako makikihalo sa ganun.. syempre. at FYI ulit, hindi ako ganun. tapos na ko jan. maaga ako gumradweyt sa ganyang gawain. wehehehe. hayskul pa lang natuto na ko uminom (4thyr naman ha) tapos sunod-sunod na yung hanggang 2ndyr college. sa panahong yan, jan ako na-ospital dahil sa alak. nyahahahaha! ang saya-saya diba? ngayon, during occasions na lang ako nainom -- tulad ng christmas, new year -- bwehehehehe!

at ang last...

case 7: meron akong cam shot sa cel ko, balak ko sanag i-post dito. kaso ayaw din ni memel. so wag na lang. naisip ko din. baka pagkaguluhan ako ng mga lalake. nyahahahahaha! kidding aside.. mejo censored (para kay memel siguro). pero wag na rin. para walang away.

so ayun.. eto na lang lalagay ko.. pic namen ng insan ko.. bwehehehehe.. kamuka yan ni kim delos santos in real life.. pero hindi sya ganun kataba ah! haha.



eto na po ang napaka haba kong entry. siguro tinamad kang basahin. kung umabot ka dito. salamat po. kung hindi.. salamat din. hehe.

nga pala nei, hindi ako nawala ah. nandito pa rin at nakakunot ang noo. wehehehe.

jaja | Monday, February 02, 2004 |

Jaja. 20. has 4 siblings. lives in cavite. san sebastian college. computer science. paranoid. sensitive. hoity-toity. loves the shade of white. loves carbonara linguini. raspberry iced tea. loves shopping. loves usher. loves to laugh. loves erdmel. loves gyun-woo. loves the sassy girl. loves everybody. hates to be left alone. hates roaches. hates rats. hates watching suspense movies at night. hates her thesis. hates blogging.. ???

a.J. | amgine | andreana | badinggerzie | baknoy | barny | bebeng | bigbadgino | cf | cher | cranb3rry | cre4tiveminds | dandy | datch | dude | dyen | eric | fred | glorificus | hanagirl | honeynany | idlemind | iva | ivan | joyceline | kai | karla | kingdaddyrich | lon | macy | mark | mmmqx | neembooz | nheidean | noimi | nei | nisyel | onin | pauli | pauline | plue | poell | pussylover | rose | sassa | seus | sharee | shev | shona | storm | summer | ton | yshie | zhang

Fotopic.
Friendster Photo Albums.

Race to 100

Erdmel - 77
Jaja - 75

If Jaja wins, 2hrs Full Body Massage. If Erdmel wins, Zoids worth 300 only. Wahehehehe!

Gudlak samen.


myshoutbox. adobe photoshop. blogger. chatango. flickr. photobucket. haloscan. my sassy girl.