haven't blogged for almost 2 days. ehehehe. may kwento akong katawa tawa.
just take my
friendtest first.
lyzette and i went to the mall last wednesday, the last day of our school (for december).
walang bus so we decided to ride the jeepney. nakakaasar kc sumakay sa jeep, ang sikip. saka lagi dun nasakay yung mga aleng tindera ng tinapa, papunta silang palengke. nagbabakasakali kaming walang sasakay na mga tindera, pero wala pang 5mins nagsakayan na ang mga dambuhalang mga tindera, ang sikip talaga sa jeep. badtrip.
kasabay nilang sumakay yung isang lalakeng naka orange (hehehe), halos katapat na namin sya nakaupo sa jeep. nagtatawanan kami ni lyzette kc natatawa kame sa mga tindera dun, hanep mga bugadera mga bunganga nila! hahahhaha! saka yung isang lola na nakaupo sa dulo, nakasuot ng daster, at papunta ring palengke. napansin namen bumababa na yung strap ng bra ni lola! hehehe. color black pa.
me: zet, tignan mo yung bra ni lola, nalalaglag na..
zet: ang sabihin mo, nagba-bra pala si lola...
hehehe. hayuuup talaga yung babaeng yun. lols. eh di pagdating sa may palengke nagbabaan na yung mga tindera. yung lolang nahuhubo na ang bra eh nsa jeep pa lang sinisigawan na yung tricycle. hehehe. nagulat talaga ko sa sigaw nya. lols!
at nmay napansin pa si zet. nung nakahawak kame dun sa jeep, (syempre nakataas mga kamay namen) nakatingin daw sa kilikili nya yung lalakeng naka orange. hahahahaha! eh napansin nya, so binaba nya, eh nakahawak pa ako, so nilipat nya yung tingin nya sa kilikili ko! hahahahahahaha!!!! taenang lalake yun.
eh di nagbabaan na ang mga tindera sa may palengke. pagdating sa bacoor, may sumakay namang lalake, na kala mo galing sa talyer. puro grasa sya, at nanlalaki pa ang mata nya! hahahahah! nandidilat eh. bwahahahahahahaha! tapos nde ko na mapigilan ang sarili ko, ang sakit na talaga ng panga ko kakapigil ng tawa ko, kc nakita ko yung kuko nya sa paa, parang nakadila. nyahahahahahahah! kc patulis sya then parang nakaangat sa daliri! hahahaha! ansakit na talaga ng panga ko nun kaya nde ko naiwasang itxt na lang kay zet yung nakita ko. pagkareceive nya ng txt ko bigla na rin syang tumawa. para kaming may mga sakit dun kc nag-aalugan mga balikat namen, and to think na yung lalakeng naka orange eh naka upo sa harap namen.
o dba baka isipin nya sya yun pinagtatawanan namen.
nung nasa sm na kami, so baba na kame ng jeep. naunang bumaba si orange guy, hehehe. then si zet, then ako. tumigil pa si orange guy pagbaba nya ng jeep at hinintay pa ko, at si zet eh mejo malayo na. bigla ako kinausap.
orange guy: miss, excuse me..
me: ha?!
orange guy: uhh.. if you don't mind..
(kinakabahan na ako neto. as in nanginginig na laman ko. wahahaha)
orange guy: uhh.. pwede makipag kaibigan?
me: ha? hinde eh. cge (sabay alis at hinahabol ko si zet)
(aba at hinabol ako ni orange guy!)
orange guy: (habang natakbo) miss sandale! makikipag kaibigan lang ako!
me: hindi nga pwede eh!
orange guy: kaibigan lang naman eh. im lawrence nga pala (sabay bigay ng calling card) what's urs?
(aba at plant engineer ito!)
me: (wala nang nagawa) ahh.. im carla..
orange guy: oh, hi carla.. (sabay alok ng shake hands sakin) eh sya? (pointing at zet)
me: (walang maisip na ibang name) huy ano daw pangalan mo!
zet: uhh.. im liza
orange guy: hi liza (sabay shake hands ulit), uh may lakad kayo ngayon?
me: obvious ba?
orange guy: i mean makikipag kita kayo?
me: oo
orange guy: ahh sa mga kabarkada nyo?
me: hinde, sa BOYFRIEND namen (emphasizing the word boyfriend, haha)
orange guy: (in a loud voice, at mukang nagulat ito!) ahh! sa boyfriend nyo?! cge nice meeting you ha..
zet and me: ok. (sabay ngiti.)
hehehehehehe. anlakas talaga ng loob nya. at nagbigay pa ng calling card. kala naman nya tatawagan namen sya. heheheheh! pinagmalaki yatang engineer sya.
natakot ako kc akala ko sasabihin sakin eh
"miss excuse me, if you don't mind, ako ba pinagtatawanan nyo kanina?" bwahahahaha! kung ganun cguro sinabi sakin nde ko alam isasagot ko. hehehe.
at akala namin isa syang talent agent at kukunin nya kaming talent! hahahahaha! kc nung nagbigay sya ng calling card, ang nakalagay na company ay
J-FILM. malay ba namen. lols!
at siguro kaya nagpakilala yun eh nagandahan sa kilikili namen. hahahahahaha!
at feeling pa daw ni zet, hindi talaga sa sm ang punta nya, kc pagpasok nya sa mall, he headed to the other door, cguro palabas sya ulit. lols.
ayun. then thursday came, laro kame billiards ni memel. after that, punta kame sa epza, may trade fair kc dun, tinda tinda en everything, pwede ka pa tawad. hehehehe. nakabili ako ng sweatshirt and sandals. nagpalagay pa ko henna tatoo sa braso, nde naman barb wire. lols.
nagising ako ng 3am kc dapat simbang gabi kami. kaso ang sakit ng mata ko, kaya tulog na ulit. tutal nde na kumpleto dahil hindi kami natuloy nung 3rd day.
then mga 7am, nagising ako sa nanay ko. bwiseeet! ginising nya ko ng sermon! grrr... badtrip talaga! kc nakita yata nya yung tatoo pagpasok nya kanina sa kwarto ko. ano daw ang naisipan ko't nagpalagay ako ng henna, kuskusin ko daw hanggang sa matanggal. bwiset! baka tanggal na yung balat ko nakakabit pa rin yung henna! amp!
then mamaya.. manunuod kame ng paolo santos. yihiiee! lols. yung payatot na yun. hhehehehe. kuletz.
yung pics pala netong site ko ay nilipat ko na sa ibang taguan. hekhek. lagi nagffreeze yung account ko sa angelfire. siguro nahahalata nila na nde nagaamit, kc taguan lang ng images. wahahahaha!
last night after i logged out, laro kami ng sis ko. sinulatan namin ni kuya yun styro ng
"tatin panget!". hehehe. tapos pag dating nya dito sa bahay galing sa laro, naghurumentado na! hahahaha! kumuha din ng styro at nilagay
"ate taba" saka
"kuya beho". bwahahahaha! ansarap ng asaran. lalo na pag umiyak na yung isa. lols!
piksyur-piksyur na lang kami sa kwarto ko.
ehehehe. ang kyut ng sis ko. anlaki ng pisngi. lols.
attended the misa de gallo this morning. grabe. pag first day talaga andaming tao. pagdating ng 6th or 7th day, ilan ilan na lang nagsisimba. hehehe. ilan na lang kaming survivors. wahahaha!ü
pumasok na ko. pero piksyur-piksyur muna.. ishmayl!
hehehe.
prelims ko pa naman. kaya ayun, antokers kanina. hilong-hilo na nga ko sa skul. hehe. konting tiis na lang. hanggang bukas na lang, tapos bakasyon na namin :P
natawa pa ko sa classmates ko. pagpasok ko...
classmate1: nagsimbang gabi ka noh?
me: uu. nakita mo ko?
classmate1: hinde. tuyo kc buhok mo eh. hehehe!
lols. onga naman. hehehehe. ang aga ko nagising, 3:30, grabe sobrang lamig maligo! waaaa! pero late pa rin ako sa skul. bwahahaha! kasi naman 4:30 ang simbang gabi, nakauwi ako dito mga 6:15. kumain pa ko saka nagbihis.
isa pang nakapansing classmate:
classmate2: nagsimbang gabi ka noh?
me: uu. nakita mo rin ako?
classmate2: hinde. nasa unahan ako nakaupo eh.
me: pano mo nalaman? mejo late na nga ko kanina kaya nasa likod kami.
classmate2: kasi malamlam mata mo. mukang babagsak na.
lols! ang kukulet. hehehe. almost 3hrs lang ang tulog ko kanina, kaya puyat talaga ako.
obvious ba? laki ng eyebugs eh.. (ni sadako. lols) anu ba yan. kita pa yung nunal ko sa mata. hahahaha.
paguwi ko ng bahay, siguro mga 12noon un, natulog ako agad. ayun. 6hrs akong tulog. yari na naman mamaya. mukang nde ako makakatulog ng maaga. waaaaaa!